Saksi Ngayon : PBBM MANUNUMPA KAY CJ GESMUNDO

By Saksi Ngayon

(CHRISTIAN DALE)

SI Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang mangangasiwa sa oath-taking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

“We shall abide by the tradition, the Supreme Court Chief Justice, the Hon. Alexander Gesmundo,” ayon kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na gagawin ang oath-taking ‘outdoors’ upang masaksihan ng sambayanang Pilipino lalo na ng mga nagbigay ng nag-uumapaw na suporta kay Marcos Jr.

“However, Gesmundo has not received any request yet to administer Marcos’ oath,” ayon kay SC spokesperson Brian Keith Hosaka.

Nauna rito, pinili ng kampo ni Marcos Jr. ang National Museum of the Philippines sa Maynila bilang venue sa kanyang panunumpa bilang pang-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.

Ang National Museum, matapos inspeksyunin ng inaugural committee ng Marcos camp, ay nakitang “suitable” site para sa oath-taking ni Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Management Staff (PMS) secretary-designate Zenaida “Naida” Angping, nagsasagawa na ng paghahanda para rito upang matiyak ang “smooth inauguration” ni Marcos Jr.

“The National Museum of (the) Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” ayon kay Angping sa isang kalatas.

Ang National Museum, dating kilala bilang Old Legislative Building, ay nagsilbi bilang venue para sa inagurasyon nina dating Pangulong Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Isa ito sa tatlong historical sites na nauna nang kinonsidera ng kampo ni Marcos bilang posibleng inaugural venues.

Ang dalawang iba pa ay Quirino Grandstand at Fort Santiago.

Sa Quirino Grandstand isinagawa ang inagurasyon ng ama ni Marcos Jr. na si namayapang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang pang-10 Pangulo ng bansa noong 1965.

Sinabi ni Angping na hindi pinili ang Quirino Grandstand bilang venue dahil sa napansin ng ocular inspection team na napaliligiran ito ng ilang field hospitals na hanggang sa ngayon ay may ina-accommodate na infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there. That’s why we opted for the National Museum as the venue,” ayon kay Angping.