Saksi Ngayon : PBBM DADALO SA APEC SUMMIT

By Saksi Ngayon

TUTUNGO sa Thailand sa Nobyembre si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Kinumpirma ito ng tanggapan ni Marcos, matapos siyang personal na imbitahin ni Thai Chargé D’ Affaires Thawat Sumitomo sa nasabing summit na idaraos sa November 18 hanggang 19 sa taong ito.

Ang imbitasyon ay ipinaabot kay Marcos sa isinagawang courtesy call ng ASEAN ambassadors noong Hunyo 6 sa headquarters ng una sa Mandaluyong City.

Ang Thailand ang magsisilbing host ng APEC Summit ngayong taon na nakatutok sa ligtas at maginhawang cross-border travel upang makarekober ang ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.