Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : PANINIRA KAY BBM, DESPERADONG GALAW NG MGA KALABAN

News & Interviews
8 November 2021

By Saksi Ngayon

HINDI natin maintindihan kung bakit kailangan pa nilang idamay ang maliliit na negosyo/negosyante sa kanilang pamumulitika.

Ang tinutukoy po natin, ang panawagan po ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa mga politiko na ‘wag idamay ang maliliit na mga nagnenegosyo sa pamumulitika.

Nagbigay ng pahayag si BBM matapos siyang makatanggap ng impormasyon na may maliliit na negosyo na ipinaboboykot dahil lamang sa pagsuporta nito sa kanya.

Bakit wala ba silang karapatan na mamili ng kanilang susuportahan o iboboto sa eleksyon sa susunod na taon?

Ikinalulungkot ng ­dating senador ang ganitong pa­mamaraan ng pamumulitika, ‘wag naman daw idamay ang maliliit na nagnenegosyo o small medium enterprises (SMEs) dahil lang sa pulitika.

Pare-pareho lang naman tayong unti-unting bumabangon mula sa hagupit ng COVID-19 pandemic.

Ang binabanggit ni BBM ay ang “cancel culture” ng mga Pilipino na iboboykot ang negosyo dahil sa pagsuporta nila sa isang kandidato.

Kasalukuyan nasa 99.5% ang SMEs sa ­Pilipinas at sila ang pundasyon ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Natural kung sila ay ­iboboykot ay lalong maghihirap ang ating bansa. Kelan pa tayo babangon?

Hindi ba kayo nag-iisip kung anong magiging epekto niyan sa ating ekonomiya?

Nagtataka lang po ang PUNA, kung bakit ginagawa ito ng mga kalabang politiko ni BBM?

Ang pagkandidato n’yo ba ay para sa mga Pilipino o pansariling interes lang?

Bakit gusto niyong pabagsakin ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pang-uudyok na iboykot ang maliliit na negosyo?

Hindi pa kayo nakuntento sa isyu ng Oxford University, pekeng survey ng Rappler, emergency alert sabotage, pagpapakansela ng Certificate of Candidacy (COC) ni BBM?

Ngayon, ayan naman kayo gusto, n’yo pang ­ipaboykot ang maliliit na nagnenegosyo na sumusuporta sa batang Marcos.

Mga desperados at desperadas na ba kayo dahil walang epekto ang ginagawa n’yong mga paninira?

Bakit hindi n’yo gayahin ang supporters ni BBM? Nagsama-sama sila para maglinis sa tabing dagat ng Boracay, nagpakain (community pantry), nagbigay ng discount sa BBM supporters, at nag-tree planting sila.

Sabi nga ni BBM, napakapositibong pangangampanya ang ginagawa ng kanyang mga supporter. ‘Yan ang kandidato hindi pagmumulan ng paninira at pagkawatak-watak nating mga Pilipino kundi ang iniisip niya ay para sa kinabukasan nating lahat.

Nasa 4.25 milyon na pong mga Pilipino ngayon ang nawalan ng trabaho dahil sa dulot ng COVID-19 pandemic tapos ngayon, pati ba naman maliliit na negosyo ay idadamay pa.

“‘Wag naman daw, kawawa naman sila,” sabi pa ng batang Marcos.

Sa ganang akin ay hindi tama ang ginagawang pangangampanya ng iba na ipanawagan nila na iboykot ang maliliit na negosyo na sumusuporta kay BBM.

Lahat tayo ay maaapektuhan ‘pag nawala ang maliliit na negosyo dahil sila ang pundasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

“Pare-pare lang naman tayo bumabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic,” ayon pa kay BBM.

“Maraming salamat sa ating mga taga-suporta, ipinagpapatuloy n’yo lang ang pagpakalat ng maganda nating mensahe, sa halip na magkansela, tayo ay magkaisa, tulungan natin na bumangon ang ating bansa, LAGING TANDAAN SA ­ATING PATULOY NA PAGKAKAISA AT MALASAKIT SA KAPWA AY SAMA-SAMA TAYONG BABANGON,” mensahe pa niya.

Napakapositibo po ng pananaw ni BBM, sana ganito rin ang pananaw ng iba pang kandidato.

Sabi ng isang pari sa kanyang misa na viral ­ngayon sa social media ang kandidato na gustong magkaisa ang mga Pilipino ay hindi dapat naninira ng kapwa niya kandidato.

“Kahit hindi sumusuporta sa ‘yo ang tao, ay tulungan mo pa rin siya, ipakita mo hindi ka lang sa supporter mo may malasakit, kundi sa lahat ng mga Pilipino, ‘yan ang politikong nagnanais na magkaisa ang mga Pilipino,” ayon pa sa pari.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi na mapipigilan ang panalo ni BBM sa 2022 national at local elections. God Bless Us All!