Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : PANGUNGUNA NI BBM SA SURVEYS, MAGANDANG PAMASKO SA MGA PILIPINO

News & Interviews
28 December 2021

By Rudy Sim | Saksi Ngayon

TINULDUKAN na ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang mapanirang akusasyon laban dito kaugnay sa hindi nabayarang tax evasion cases na agad na iniharap sa media ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, ang isang certification mula sa BIR na patunay na bayad na ang lahat ng buwis at multa nito.

Matatandaang kaliwa’t kanang demolition job ang pinakawalan ng ilan sa mga kalaban ni Marcos sa pagkapangulo ngunit sa kabila nito ay nanaig pa rin sa karamihan sa mga Pilipino ang pagkakaisa na labanan ang mga mapanirang akusasyon kay Marcos na kahit pinonduhan pa ng malaking halaga ay hindi na ito umubra.

Ang pagbulusok paitaas ng ratings ni Marcos mula sa latest surveys ay isang magandang pamasko, hindi lamang sa kampo ni Marcos kundi maging sa mga Pilipino na naniniwalang ­kayang ibalik ni BBM na iangat muli ang lugmok na estado ng pamumuhay ngayon ng marami nating kababayan mula sa kahirapan.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, halos wala pa ring pahinga si BBM, kahit sa araw ng Kapaskuhan ay patuloy pa rin ang pamamahagi nito ng tulong hindi lamang sa mga biktima ng Odette sa Kabisayaan kundi maging saan mang sulok ng bansa upang maipadama ang diwa ng Pasko sa ating mga kababayan.

Panawagan ng marami sa atin sa ilang presidential aspirants, na baguhin na ang istilo ng pangangampanya na walang ginawa kundi ang hilahin pababa si BBM, dahil nakabantay ang maraming Pilipino at kapit-bisig na nais ang pagbabago.

Ayon naman sa COMELEC, wala pang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 presidential election na mula sa bilang na 92 presidential aspirants ay nasa 15 na lamang ngayon. Matatandaang iniurong ni Senator Bong Go ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo bilang suporta na rin kay BBM.

Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)