Saksi Ngayon : PAGDALO SA UN ASSEMBLY KINOKONSIDERA NI PBBM

12 June 2022

By Saksi Ngayon

Assembly na gaganapin sa Setyembre.

Ito’y makaraang mabangggit ni UN Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez sa kanyang courtesy visit kay Marcos ang ginagawang preparasyon para sa UN General Assembly ngayong taon.

Sinabi ni Marcos kay Gonzales na “it would be very important to attend and represent the Philippines in the General Assembly and meet with other world leaders.”

Ayon naman sa kampo ni Marcos, hindi pa kinukumpirma ng incoming president ang kanyang magiging pagdalo sa nasabing aktibidad.

Kung magdedesisyon man aniya ito na magpunta sa Assembly, ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makikita at makikilala ang ibang heads of state sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa miting ni Marcos kay Gonzalez, tiniyak ang “high-level of accountability” pagdating sa aspeto ng human rights ay kabilang sa paksa na tinalakay at maging ang climate change at pagpapanatili ng kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). (CHRISTIAN DALE)