Saksi Ngayon : PAGBILI NG COVID VAX PASPASAN – BONGBONG MARCOS

News & Interviews
1 September 2021

By Saksi Ngayon

PINASISIMPLEHAN ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang proseso sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 upang bumilis ang importasyon ng supply nito sa gitna ng pinaigting na vaccination rollout ng pamahalaan.

“To ensure enough and continuous stocks of vaccines, the government procurement agency must simply cut through the red tape,” pahayag ni Marcos bilang tugon sa panawagan ng iba’t ibang local government units para sa sapat na suplay ng bakuna.

Naalarma rin ang dating senador sa babala ng World Health Organization (WHO) na dominante na ngayon sa bansa ang mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19.

“The WHO has confirmed the community transmission of Delta variant which to me signifies an urgent call to action for our procurement officials to bypass the usual procedure to hasten the importation of vaccines,” diin ni Marcos.

Tinukoy ni Marcos ang tripartite agreement ng national at local governments at pribadong sektor sa pagbili ng bakuna na tila naisasantabi na.

Sa ilalim ng Republic Act 11525, o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, ang mga LGU at pribadong sektor ay maaaring bumili ng sariling bakuna sa pamamagitan ng multi-party agreements (MPA) sa national government.

“For one reason or another, such agreement appears to have been virtually mothballed despite persistent appeals by the local officials and leaders of the private sector to have the MPA signed by their counterpart in the national government,” hinaing ng dating mambabatas.

“In fact, a resolution has been filed with the Senate urging the Committee of the Whole to look into the MPAs which have reportedly been submitted to the national government but remained unsigned by its representatives,” aniya pa.

“Malinaw ang kahandaan ng LGUs sa kagyat na pangangailangang mabakunahan ang kani-kanilang mamamayan… pero mas malinaw na ang problema talaga ay ang supply ng bakuna,” ani Marcos, na binanggit din ang hindi tuloy-tuloy o “on and off” na vaccine rollout sa National Capital Region.

“Lalo naman sa mga probinsiya kung saan ang hinaing ng ating LGUs ay ang kakapusan ng supply ng bakuna… kaya ang panawagan natin sa national government ay kailangan talagang ayusin ang pag-angkat ng COVID-19 vaccines. Naniniwala ako na higit na makatutulong sa paglutas ng nasabing problema kung paiiralin na ang MPA upang makagalaw ang initiative ng private sector at ng LGUs,” pahayag pa ni Marcos.