Saksi Ngayon : Nanumpa sa Federal BONGBONG FOR PRESIDENT NA

News & Interviews
5 October 2021

By Saksi Ngayon

TIYAK na ang pagsabak sa pampanguluhan sa 2022 elections ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos niyang manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kahapon.

Sa kanyang Facebook video, inanunsyo ni Bongbong na kanyang tinatanggap ang endorsement ng iba’t ibang grupo para lumahok sa 2022 presidential race.

“I am announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections,” ayon sa dating senador.

“I will bring back unifying form of leadership in the country,” aniya pa.

Bago ito, piniling maging low profile ni Bongbong sa gitna ng lumalaking grupo ng political parties na sumusuporta sa kanyang presidential bid.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos at hinalal na executive president ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na nagpapasalamat ang dating senador sa bumubuhos na suporta mula sa major political parties, local chieftains at mga concerned citizen.

Sa ginanap na national convention ng PFP sa Tupi, South Cotabato Noong nakalipas na Sept. 20, inendorso nila si Marcos bilang kanilang kandidato sa pagkapangulo.

Bukod sa PFP, nominado rin si Bongbong ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) para sa pagka-pangulo.

Para sa PFP, kumpiyansa sila na mananalo si Bongbong sa 2022 presidential election kahit wala itong mga kilalang political operator.
“Former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. will win in next year’s presidential race without the necessity of brilliant political strategists and tacticians,” ani PFP secretary general Tom Lantion.

Ayon sa partido, ang isang team na may ‘heart and common sense’ ang magpapanalo kay Marcos at hindi ang mga kilalang political operators sa bansa.

“Our bet for the 2022 presidential race is a thinker who’s intellectually alert and holds a deep understanding and experience of the country’s entire electoral processes,” ayon pa kay Lantion.

“Aside from being a man of decency, he’s also a man of action with few words that needs no coaching about the art of winning a political race,” dagdag pa ng retiradong heneral ng Philippine National Police.

Ginawa ni Lantion ang nasabing pahayag bilang tugon sa mga nagtatanong kung bakit wala umanong mga kilalang political operator ang tumutulong sa kandidatura ni Marcos.

Inilarawan ng partido na ang grupong tumutulong kay Marcos ay “unassuming seasoned players whose minds are set solely on the vision of the Bongbong presidency”.

Bukod dito, ang pangalang Bongbong Marcos aniya ay katulad ng medisina na puwedeng bilhin ng sinoman sa mga botika na hindi na kailangan ang doctor’s prescription.

“After more than seven decades, the Marcos brand in national politics is still in great demand sans the promotions and advertisement,” ayon pa kay Lantion.

“But of course, a political party without an excess baggage can carry its candidates to their journey comfortably,” dagdag pa nito.