Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : MORAL TORPEDOED

News & Interviews
10 December 2021

By Saksi Ngayon

PARA sa isang Certified Public Accountant, hindi akmang ibunton ang sisi kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. kung sakali man na hindi nga ito nakatugon sa pagbabayad ng buwis habang nanunungkulan sa gobyerno.

Kung totoo raw ang akusasyong ipinupukol sa Partido Federal ng Pilipinas standard bearer ay kasalanan aniya ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na siyang nagkulang sa kanilang mandato.

Tila hindi nakapagpigil itong si Atty. Estrella V. Martines, isang CPA, Master of Law, Major in Taxation at dating BIR Regional Director kaya’t naglahad ng kanyang pananaw hinggil sa isyu ng taxation na ginagamit ngayon na tuntungan para sa dis­kwalipikasyon sa kandidatura ni BBM na kitang-kita naman aniyang siya na ang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Para kay Martines, na kay BBM ang Mindanao dahil sa mga Duterte, milyon-milyong loyalist sa Norte at angkan ng mga Romualdez sa Western Visayas.

Malinaw na pagmamani-obra lamang ang paghahain ng diskwalipikasyon laban kay BBM sa umano’y hindi nito paghahain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities at iba pang alegasyon na may kaugnayan dito.

Paliwanag pa niya, isa nang judicial notice na ang kasalukuyang government officials ay hindi kailangan mag-file ng kanyang income tax returns sa panahon ng kanyang panunungkulan (incumbency) dahil sila ay subject to substituted filing under the Tax Code.

Sa mga darating na araw ay malalaman natin kung may katotohanan ang ginagawang paghimay sa isyu ni Atty. Martines na nagsasabing malinaw umanong isinasaad sa Tax Code na ang salaries of officials are subject to a final withholding tax on income, thus, it is the Government which shall file their respective returns and remit the income tax to the BIR.

At para maiwasan ang labis na stress, ngumiti na lamang habang unti-unti nang nagsisimula ang political roadshow. Just dig deeper for nuggets of truth from the mudslingings, hanggang sa mga chipipay na pagma­ma­niobra laban sa Presidential main frontrunner, the Alpha of the pack.

Talagang mahihirapan ang mga kumakalaban kay BBM dahil hindi lang mga ordinaryong mamamayan ang nakasuporta sa kanya.