Saksi Ngayon : Mindanao local officials nagsama-sama SUPORTA KAY MARCOS PINATIBAY

News & Interviews
21 September 2021

By Saksi Ngayon

PATULOY na lumalakas ang suporta kay dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patunay ang paglahok ng local officials mula sa Mindanao sa panawagan na siya ang kanilang maging presidential candidate para sa May 2022 national elections.

May kabuuang 1.5 milyong miyembro sa buong bansa, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ang ideolohiya ay mula pa sa legendary federalists na sina Pedro Paterno at Trinidad Pardo de Tavera ng Partido Pederal, ay nagpasa ng resolusyon sa kanilang hybrid national convention sa Tupi, South Cotabato na nag-eendorso kay dating Senador Marcos bilang kanilang presidential candidate.

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) noong 2018, ang reinvented and refortified PFP ay kontrolado ang Mindanao hanggang sa municipal level at nakapagpanalo ng 350 kandidato noong 2019 local and congressional polls. Wala rin sa kanilang mga miyembro ang nasangkot sa katiwalian.

“The PFP is proud of its integrity… the PFP has no excess baggage to carry,” pahayag ni PFP General Council Counsel George Briones.

Sinabi ni Briones, kanilang inendorso si Marcos makaraan ang kanilang pakikipag-usap dito at inihayag ang kanilang pagnanais na ang dating senador ang maging pambato ng partido sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.

Sa hybrid virtual convention ay inihalal ang mga bagong opisyal ng PFP subalit marami ang nananatili sa kanilang puwesto.

Kabilang sa mga inihalal na bagong opisyal si Atty. Victor D. Rodriguez bilang PFP executive vice president at tatayong general campaign manager sa 2022 national at local election.

Kasama rin sa mga opisyal ng partido sina South Cotabato Gov. Reynaldo S. Tamayo, president; retired Gen. Thompson C. Lantion, secretary general; Antonio C. Rodriguez, vice president for Luzon; Carlito E. Ceniza, VP for Visayas; Assam M. Ulangkaya, VP for Mindanao; Manuel D. Andal, VP for political affairs; George S. Briones, general counsel; Lino A. Dumas, national legal officer; Antonio G. Marfori, national treasurer; Edgardo A. Acaba, national auditor; Julius Caesar O. Aguiluz, sergeant at arms; Patricio N. Roman, senior political adviser, at Saidah T. Pukunum, chairman of the international affairs.

Ipinagpaliban naman ang paghalal ng chairman ng PFP matapos ipasa ang resolusyon na iserba ang posisyong ito kay Marcos.

“Kung mag-decide si Senator Bongbong Marcos na sumapi sa Partido Federal ng Pilipinas and he will take his oath as a member of PFP, tatawag po tayo ng another national convention bago po matapos ang buwan ng September where he will be nominated as the official candidate of the PFP for president,” ayon kay Briones.

Ang PFP ay mayroong malakas na youth organizations sa buong bansa na nakikipagtulungan sa partido para maisakatuparan ang kanilang pangarap “for a society that is free of illegal drugs, free of corruption, free of crime, free of insurgency and free of poverty.”