Saksi Ngayon : MANILA 5TH DISTRICT KOPO NA NG MGA KAALYADO NI BBM

27 February 2022

By Saksi Ngayon

BUHOS ang suporta ng buong distrito 5 ng Maynila sa mga kandidato sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Mainit ang pagsalubong ng mga residente sa grupo ni Manila mayoralty bet Alex Lopez at kanyang ka-tandem na si Raymond Bagatsing nitong Biyernes.

Partikular sa mga lugar na kanilang dinalaw ang Mataas na Lupa sa F. Muñoz, Singalong sa San Andres sa Paco at Kalye ng Taal sa Arellano at Meding Sts. sa Malate.

Nagbahay-bahay rin ang magka-tandem upang ihatid ang kanilang mensahe sa bawat pamilya ng nasabing lungsod.

Layunin nina Atty. Lopez at Bagatsing na lalong pagandahin at siguruhin ang kalusugan at katahimikan ng mga Batang Maynila gayundin din ang kaginhawaan at kaayusan sa lungsod.

Sakaling palarin ngayong May 2022, ipagpapatuloy rin ng mga ito ang magagandang programa ng kasalukuyang alkalde kabilang ang monthly allowance sa senior citizens, single parents, PWD’s at maging sa mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan.

Si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang standard bearer ng PFP. (RENE CRISOSTOMO)