Saksi Ngayon : ‘Malaking pagkakamali’ ng PET ipinatutuwid DUE PROCESS IPINAGKAIT KAY MARCOS

News & Interviews
11 May 2021

By NELSON S. BADILLA | Saksi Ngayon

NANINDIGAN si dating Senador Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na hindi pa tapos ang kanyang laban sa pagkakamit ng katotohanan tungkol sa resulta ng eleksyon para sa bise presidente noong 2016.

Kahapon, naghain ng “Morion for Reconsideration” (MR) si Marcos na tahasang tumututol sa pagkakabasura ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa “third cause” ng kanyang protestang elektoral laban kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo dahil sa nagawang matinding pagkakamali sa nasabing desisyon.

Iginiit ni Marcos, o BBM, sa kanyang MR na baliktarin ang desisyon ng PET tungkol sa third cause dahil ibang hakbang ito mula sa mga naunang protestang elektoral.

Hiling ni Marcos na muling buksan ang usapin ng third cause ng kanyang protestang elektoral upang maiharap niya ang mga ebidensiyang magsasabi at magpapatunay na malawak ang pandarayang ginawa ng kampo ni Robredo sa halalan sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao upang palabasing inilaglag si Marcos ng mga taga-Mindanao.

Noong Hunyo, 2016 inihain ang protestang elektoral ni Marcos sa PET laban sa pinaninindigan nitong malawakang pandaraya ng kampo ni Robredo upang manalo sa eleksyon.

Ang ponente ng kaso ni Marcos laban kay Robredo ay si Associate Justice Marvic Leonen na itinalaga ni dating Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa Korte Suprema noong Nobyembre 2012.

Ayon sa tagapagsalita at abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, nararapat lamang na ipawalang bisa ang buong desisyon ng PET na nagbabasura sa buong protestang elektoral ni Marcos.

Aniya, bigyan din ng pagkakataon si Marcos na iharap at maipakita ang mga ebidensiyang magpapatunay ng malawakang dayaan at iregularidad ng eleksyon sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na ang kampo ni Marcos “are pursuing just the annulment of election results and no longer the dismissal of the manual recount for practical consideration and time constraints, considering that the elections are less than a year from now and that the filing of the certificate of candidacy is just five months away or in October of this year”.

Idiniin ni Rodriguez na “the PET effectively deprived Marcos of his basic constitutional right to have his day in court, denied him the opportunity to be fully heard and the right to present both testimonial and documentary evidence relevant to their action seeking the nullification of the results in the three Mindanao provinces” nang ibasura ng PET ang buong protesta ni Marcos.

Muling idiniin ni Marcos na simula pa lang ay ibang hakbang ang third cause ng kanyang kaso laban kay Robredo.

Aniya, ang PET ay pumabor sa konseptong iba ang kahulugan at layunin ng “annulment of elections” mula sa “failure of elections”.

Ang pinakabagong hakbang ni Marcos ay resulta ng malawak at masusing pag-aaral sa desisyon ng PET sa second cause at third cause na iniugnay sa buong protestang elektoral.

Sa kanyang MR, tinuro pa ni Marcos ang hiwalay na pananaw ni dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at Associate Justice Samuel Gaerlan kung saan parehong naniniwala na iba ang konsepto ng annulment of votes.

Ipinahayag pa nina Peralta at Gaerlan sa kanilang mga opinyon na ipagpatuloy lamang ang pagpapawalang bisa sa resulta ng eleksyon.

Kinatigan din ni Peralta ang pananaw ni Gaerlan na ang remedyong hinihingi ni Marcos ay “separate, distinct and independent cause of action not within the ambit of Rule 65 of the 2010 PET Rules on dismissal which should be limited only on protest seeking for the manual recounting of ballots”.

“The PET should not resort to judicial evasion of its solemn duty to exercise judicial power that is to settle actual controversies involving rights which are legally demandable and enforceable and must by all means within its command ascertain who truly won as vice president and remove any doubt as to the real choice of the electorate,” diin pa ni Rodriguez.

“With their motion filed, the Marcos camp is seeking that the Tribunal will rectify its grave mistake, set aside its earlier ruling, reconsider the junking of the entire protest and allow the annulment of election results to proceed independently from the manual recount as a separate, distinct and independent cause of action,” patuloy ng abogado ni Marcos.