Saksi Ngayon : Magpapasya bago ang deadline ng filing ng CoC – Federal BONGBONG INENDORSO NG IBA’T IBANG GRUPO

News & Interviews
26 September 2021

By Saksi Ngayon

PINILING maging low profile ni former Sen. Ferdinand “Bongbong’ Marcos, Jr. sa gitna ng lumalaking grupo ng political parties na sumusuporta sa kanyang presidential bid, ngunit pinanatili niyang bukas ang lahat ng posibilidad sa alyansa at pagbuo ng malakas na tambalan para sa darating na halalan ang pag-uusapan.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos at hinalal na executive president ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na nagpapasalamat ang dating senador sa bumubuhos na suporta mula sa major political parties, local chieftains at mga concerned citizen.

“Naiintindihan natin that there is so much build up and anticipation on his decision and announcement to run for president for the next year elections. Hindi madali ang hinihingi ng maraming tao na magdesisyon na si Bongbong na tumakbo bilang pangulo,” saad ni Rodriguez sa Sa Totoo Lang program ng OnePH sa Radyo Singko noong Biyernes.

“Pinag-iisipang mabuti ni Bongbong ang lahat. Hindi madali ang magdesisyon. Ang usapin kasi dito ay pandemic government and post-pandemic situation. His decision will come soon. He just needed to consult some significant individuals and groups,” sabi ni Rodriguez, na ang political party ay inendorso na si Marcos bilang standard-bearer sa pagka presidente sa halalan 2022.

Sumunod ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), ang political party Marcoses, na nagpahayag din ng nominasyon ni Bongbong bilang presidentiable sa ginanap na National Convention ng partido noong Biyernes. Gayunman, ang mga nominasyon ay hindi pa tinatanggap ni Marcos na miyembro ng Nacionalista Party.

Sa ngayon, sina Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao gayundin si Manila Mayor Isko Moreno ang nagpahayag ng paghamon sa pambato ng administrasyon. Sinabi ni Rodriguez na mahigpit ang karera sa darating na eleksyon.

“Lahat may mandato. Lahat malalakas. Wala kaming dini-discount sa kanila,” sambit ni Rodriguez.

Idinagdag ni Rodriguez na mas maganda na higit na marami ang humihimok sa dating senador na tumakbong pangulo, ngunit ang binibigyan ng higit na atensyon ni Marcos ay ang makabuo ng malakas at matibay na tambalan habang ang posibilidad na partnership kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay nakabinbin dahil sa pahayag ng huli na mananatili ito sa lokal na eksena habang tinanggap naman ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng kanyang partidong PDP-Laban na tumakbong vice president.

“Yung daluyong ng suporta ng mga political party kay Bongbong tuloy-tuloy. Mas maraming grupong susuporta mas maganda. Right now, out muna yung tandem niya kay Mayor Sara since may naging decision na. We are not in a position to speculate or speak on behalf of President Duterte and Mayor Sara, but right now our concern is how to make the best alliance possible. The best partnership,” saad ni Rodriguez.

Sa hamon ni Vice President Leni Robredo na one-on-one rematch sakaling tumakbo si Marcos bilang pangulo, sinabi ni Rodriguez na hindi iyon mangyayari dahil wala na ang alyansa nito sa major political bigwigs.

“Unang-una hindi mangyayari yung condition na one-on one. It will never happen, useless to answer her challenge. Lahat ng kinausap niya na makasama nag-announce na,” saad ni Rodriguez.