Saksi Ngayon : Kahit walang political operators – PFP PUSO AT COMMON SENSE MAGPAPANALO KAY BONGBONG

News & Interviews
23 September 2021

By Saksi Ngayon

(BERNARD TAGUINOD)

KUMPIYANSA ang isang mataas na opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na mananalo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 presidential election kahit walang mga kilalang political operator.

“Former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. will win in next year’s presidential race without the necessity of brilliant political strategists and tacticians,” ani PFP secretary general Tom Lantion.

Ayon sa partido, ang isang team na may ‘heart and common sense’ ang magpapanalo kay Marcos at hindi ang mga kilalang political operators sa bansa.

“Our bet for the 2022 presidential race is a thinker who’s intellectually alert and holds a deep understanding and experience of the country’s entire electoral processes,” ayon pa kay Lantion.

“Aside from being a man of decency, he’s also a man of action with few words that needs no coaching about the art of winning a political race,” dagdag pa ng retiradong heneral ng Philippine National Police.

Ginawa ni Lantion ang nasabing pahayag bilang tugon sa mga nagtatanong kung bakit wala umanong mga kilalang political operator ang tumutulong sa kandidatura ni Marcos.

Tinukoy ng Sec Gen ng partido ang pagkuha ng ilang presidential contenders ng mga kilalang political operator ngayon pa lamang upang tumulong sa kanilang kandidatura sa susunod na taon.

Base sa mga report, isang kilalang poll operator na tumulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nagtatrabaho ngayon sa Lacson-Sotto tandem habang nasa kampo naman ng Domagoso-Ong tandem ang dating political operator ni dating Pangulong Joseph Estrada at isang kilalang lady broadcaster naman ang humahawak sa media team ni Sen. Manny Pacquiao.

“Those teams of presidentiables might really need excellent minds to draw and run their propaganda and poll campaign, but not for Bongbong… who only needs dedicated men who can be trusted and who know how to apply common sense,” ani Lantion.

Inilarawan ng partido na ang grupong tumutulong kay Marcos ay “unassuming seasoned players whose minds are set solely on the vision of the Bongbong presidency”.

Bukod dito, ang pangalang Bongbong Marcos aniya ay katulad ng medisina na puwedeng bilhin ng sinoman sa mga botika na hindi na kailangan ang doctor’s prescription.

“After more than seven decades, the Marcos brand in national politics is still in great demand sans the promotions and advertisement,” ayon pa kay Lantion.

“But of course, a political party without an excess baggage can carry its candidates to their journey comfortably,” dagdag pa nito.