Saksi Ngayon : KAHANDAAN SA KALAMIDAD PAIIGTINGIN NI BONGBONG

29 April 2022

By Saksi Ngayon

TINIYAK ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na higit pang palalakasin ang kagalingan, kapabilidad at mabilis na aksyon ng pamahalaan sa lahat ng uri ng kalamidad sakaling manalo sa darating na May 9 presidential elections.

Ani Marcos, bahagi ito ng kanyang plano upang kahit papaano ay malabanan ang hindi mapigilang climate change o global warming.

Ang pahayag na ito ni Marcos, standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ay isinagawa nang magkaroon ng virtual press conference sa local mediamen mula sa Bicol at Western Visayas Regions nitong nakalipas na Miyerkoles.

“What’s important is the immediacy of our response time. We should have everything already in place, in every place, and an evacuation plan as to where people can go,” ani Marcos nang tanungin kung paano makatutulong sa mga probinsiyang lapitin ng bagyo.

“All of the relief goods have to be delivered immediately,” sabi pa niya.

Upang higit na mapaganda ang ‘response time’ ng pamahalaan, kailangang kumuha ang gobyerno ng mga kasangkapan at kagamitan na may ‘disaster capabilities’ at hangga’t maaari ay ipadala ito sa bawat lungsod at munisipyo sa bansa.

“On the government end we really have to beef up our ( capabilities), yung tinatawag na civil defense yang mga helicopter natin, yung mga C130, all of these airlift capabilities that we need so that we can immediately respond to any disaster,” anang Marcos.

Batid ni Marcos ang epekto ng global warming at climate change kaya kailangan ay mabilis at prayoridad din ang maging tugon nito upang makapaglatag ng isang komprehensibong plano.
“Philippines is one of the most vulnerable countries in the world when it comes to global warming and climate change, so talagang ang maaari nating tingnan ay preparation and mitigation,” paliwanag pa niya.

“Scientists have been proven right for years, they have been telling us that when global warming comes what will happen is we will have more severe weather. Nakikita na natin yun” sabi pa niya.
Sinabi nitong sa dami ng mga pagsubok na sinapit ng bansa, patungkol sa pananalanta ng bagyo at iba pang kalamidad, marapat lamang na magsilbing aral na ito upang maiwasan ang mga hindi dapat at higit pang palakasin ang mga nararapat na gagawin ng pamahalaan.

“We have to mitigate. What we can do is learn the lessons from typhoons Yolanda, from Odette, from Agaton that we have to be really very very careful about where we build our structure and where we build the home of the people,” dagdag pa ni Marcos.

Nauna nang sinabi ni Marcos ang pagpapalakas ng internet-based Disaster Risk Information Roadmap bilang bahagi ng programang magbibigay proteksyon sa lahat ng indibidwal, gayundin sa kapaligiran at kalikasan.

Idinagdag nitong prayoridad niya ang isang pamahalaang magsusulong ng ‘environment protection and preservation,’ na magbibigay diin din sa pagpapalakas sa ‘institute policy reforms and programs.’

“Nature has its rights that should be protected. It should be allowed to flourish, reproduce and attain its abundance side by side with human civilization in perfect balance and harmony with our growing communities,” sabi pa ni Marcos.