Saksi Ngayon : INCLUSIVE GROWTH ASAHAN SA TERMINO NI PBBM – ROMUALDEZ

16 June 2022

By Saksi Ngayon

NAKASISIGURO ng mas maayos at maliwanag na kinabukasan ang sambayanang Pilipino sa ilalim ng administrasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Ito ang deklarasyon ni House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez dahil sa inclusive growth na paiiralin ng susunod na administrasyon.

Kahapon ay nanumpa si Romualdez kay Brgy. Chairman Rodolfo Padillo kahapon na sinaksihan ni Duterte sa Remedios T. Romualdez Medical Foundation Gymnasium sa Calanipawan Road Remedios T. Romualdez Medical Foundation Gymnasium sa Calanipawan Road bilang kinatawan ng 1st District ng Leyte.

Nanumpa naman ang misis ni Romualdez na si Rep. Yedda Romualdez at Jude Acidre bilang kinatawan ng Tingog party-list at Alfred Romualdez bilang mayor ng Tacloban City kay Court of Appeals (CA) Associate Justice Bautista G. Corpin Jr.

“My kasimanwas (kababayan), a brighter future awaits all of us. Our new President and Vice President share with us our dream of a better generation for our children. Not only here in Tacloban and Eastern Visayas, but in all parts of the country,” ani Romualdez.

Ayon sa mambabatas, ang misyon ng Marcos administration ay mabawasan ang kahirapan sa bansa na kayang magawa sa pamamagitan ng inclusive growth lalo na’t tumataas ang inflation rate “Inclusive growth. Dapat pakinabangan ng lahat ang biyaya ng pag-unlad. That is what we aim for in Tacloban and even in the whole of Eastern Visayas in the next three years under my next term as your Representative in the 19th Congress,” ayon pa sa susunod na Speaker ng Kamara.

Ang pagkahalal aniya nina Marcos at Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino ng mas maliwanag na kinabukasan.

“For the first time since 1986, we have elected a majority President in the person of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. The overwhelming mandate that he received from the Filipino voters will surely help him steer the nation in the direction that we all desire – one that is anchored on his message of unity and his vision of Filipino nationhood,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)