Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : Hindi nakadalo sa Comelec prelim hearing BBM NA-EXPOSE SA COVID POSITIVE STAFF; NAG-ISOLATE

News & Interviews
7 January 2022

By Saksi Ngayon

AGAD nag-isolate si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. matapos ma-expose sa dalawang tauhan na kapwa nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, hindi nakadalo si Marcos, Jr. sa preliminary hearing ng Commission on Elections (Comelec) kahapon kaugnay ng mga petisyon laban sa kanyang pagtakbo sa 2022 elections.

Sa pamamagitan ng kaibigan na si former congressman Anton Lagdameo, humingi ng paumanhin si Bongbong sa Comelec, partikular kay Presiding Judge Rowena Guanzon, sa anomang abala, kung mayroon man, na idinulot ang kanyang hindi pagdalo.

Ani Lagdameo, “two personalities who’re with Marcos almost every day have been tested positive of the coronavirus – his chief of staff, lawyer Vic Rodriguez and his security escort, prompting the former senator to go in isolation.”

Naglabas naman ng medical certificate ang attending physician ng dating senador, na si Benedict Francis Valdecanas, na nagpapatunay na nahihirapang magsalita si Bongbong dahil sa masakit na lalamunan at lagnat.

“Upon my examination, Marcos had a temperature of 37.8 degrees Celsius and his throat was hyperemic and swollen,” bahagi ng nilalaman ng medical certificate na inilabas ni Dr. Valdecanas.

Habang dumadalo sa preliminary hearing sa Comelec ang mga abogado ng kampo ni Bongbong, abala naman ang iba nilang kasama sa paghahanda ng quick response Covid assistance operations, katuwang ang UniTeam volunteers sa pamamahagi ng gamot at face mask sa mga ospital sa National Capital Region.

Ang iba pang BBM campaign workers and volunteers ay sumailalim sa mandatory RT-PCR tests kahapon makaraang 30 sa kanila ang nagpositibo sa antigen test na kanilang isinasagawa dalawang beses kada linggo sa kanilang headquarters.

Nauna rito, personal na iniutos ni Marcos, Jr. ang inventory at repacking ng kanilang supplies sa headquarters gayundin sa pre-positioning sites para sa mabilisang pamamahagi.

Ang pagpapadala ng ‘meds and vits’ at face masks sa Covid response ay bahagi ng tuloy-tuloy na calamity response ng UniTeam para sa mga sinalanta ng bagyong ‘Odette’ sa Visayas at Mindanao.