Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : GRAND CARAVAN NG BBM-SARA UNITEAM Ilalarga ng Metro Manila supporters

News & Interviews
7 December 2021

By Saksi Ngayon

MANLILIGAW ngayong araw, Miyerkoles, Disyembre 8, si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga botante sa Metro Manila sa pamamagitan ng grand caravans.

Ayon kay Anakalusugan Representative at Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, magsisimula ang motorcade sa pamamagitan ng meet-and-greet sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City partikular na sa harap ng Commission on Audit (COA) alas-7:30 ng umaga.

“It will then proceed along Commonwealth Avenue and Quezon Avenue. The end point of the Quezon City part of the BBM-Sara caravan is Welcome Rotunda at the city’s boundary with Manila,” ani Defensor.

Ang nasabing grand caravan ay inorganisa ng Malayang Quezon City ni Defensor at running mate nito na si Quezon City Councilor Winnie Castelo na sumusuporta sa BBM-Sara ticket.

“BBM and Mayor Sara are hugely popular and enjoy wide support in Quezon City and Metro Manila,” deklara ni Defensor.

Sinabi ni Defensor na unang plinano na magkaroon ng gathering para kina Marcos at Duterte sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) partikular na sa Plaza Aurora “But we abandoned that in favor of joining the caravan after the city government gave us the runaround in our application for a permit for the gathering. They effectively rejected our application”.

“The city government acted as if they own QCMC, which is a public park that is owned by the people,” dagdag pa ni Defensor na masama ang loob dahil pinayagan umano ni Mayor Joy Belmonte ang political event ng kanilang kapartidong si Vice President Leni Robredo sa QCMC subalit tinabla ang grupo ng ticket nina Marcos at Duterte.

Kabilang sa mga inaasahang sasama sa BBM-Sara grand caravan ang mga reelectionist na sina Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo (first district), Precious Hipolito-Castelo (second district), at Allan Reyes (third district), Councilor Marvin Rillo (fourth district), businesswoman Rose Lin (fifth district), at dating Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo (sixth district).

Umapela ang mambabatas sa supporters at mga sasama sa BBM-Sara caravan na huwag kaligtaan ang health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at huwag maging sanhi ng trapik.