Saksi Ngayon : GIMIK NG PINKLAWAN BULILYASO!

2 February 2022

By Saksi Ngayon

TUKOY na ng taumbayan kung bakit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay galit na galit sa tapat ng pintuan ng simbahan sa Manila Cathedral kamakalawa.

Imbes na makakuha siya ng simpatiya ng nakararaming Pinoy dahil sa ginawa niya, ay samut-saring batikos ang kanyang ­inaani ngayon.

Maging mula sa kapwa niyang mga abogado at mga ordinaryong mamamayan.

Unang PUNA ng nakara­raming Pinoy ay wala siyang ­respeto sa simbahan at sa kanyang mga kasamahan sa Comelec.

Sa harapan mismo ng Manila Cathedral siya nagsisigaw na ­binabanatan niya ang kanyang mga kasamahan sa Comelec dahil hindi nasunod ang kanyang gusto na mailabas agad ang desisyon ng First Division sa disqualification case laban kay BBM bago pa siya mag-retire nitong Feb. 2.

Bukod sa pagbanat niya kay Commissioner Aimee Ferolino ay hinamon din niya ang kanyang mga kasamahan na magsipag-resign sa Comelec.

Nakatakdang magretiro si Guanzon bilang Comelec Commissioner nitong Feb 2, matapos siyang italaga ni dating Pan­gulong Noynoy Aquino noong 2015. Alam na kung sino ang nasa likod niya!

Kinunsiti naman siya ng mga madre de cacao… este ng mga madre sa kanyang ginawang pagwawala sa Manila Cathedral.

Hirap ng sobrang talino, ­pakiramdam nila sila lagi ang tama.

Palibhasa iisa ang kanilang mga kulay (Pinklawan).

Alam natin na matalino at matapang si Guanzon kaya lang hindi niya ito ginamit sa tama.

Ipinagyabang n’ya pa na hindi na siya maghihirap dahil haciendero ang kanyang mga magulang.

Ah, kaya pala ganyan ang ugali mo, wala kang respeto sa kapwa dahil mula ka sa ­mayamang pamilya.

Bakit ka pumasok sa Comelec na may mandato na dapat mong sundin?

Hindi pwede na kung anong sabihin mo sa mga kasamahan mo sa Comelec ay ikaw lahat ang masusunod, pare-pareho kayong mga Commissioner.

Pwede kang makiusap sa kanila, pero hindi mo sila pwedeng diktahan.

Esep-esep din minsan ‘pag may time!

Kaya ka nanggagalaiti dahil hindi ka sinunod ni Commissioner Aimee Ferolino.

Anong mayroon? Bakit ka nagmamadaling ilabas ang desisyon?

Sinasabi mo pang may nang-iimpluwensiyang senador kay Ferolino kaya hindi niya agad inilabas ang desisyon.

Baka naman ikaw lang ang nagmamadali dahil nakompromiso ka sa ibang tao?

Hinay-hinay lang madam, dahil hindi na si BBM ang inyong inaapi rito kundi ang taumbayan na nasa 60% hanggang 80% na sumusuporta sa batang Marcos.

Paalala lang po, ang ­eleksyon ay paramihan ng boto at hindi niya kailangan na lahat ng mga Pilipino ay bumoto sa kanya.

Hindi po tayo nagbabanta, nagpapaalala lang po.

Nakasubaybay po sa lahat ng mga pangyayari ang binabanggit kong 60% hanggang 80% na mga Pinoy.

Hindi na sila natutuwa sa below the belt na ninyong tirada laban kay BBM.

Hindi na kayo nakuntento sa martial law issue, nakaw na yaman, pekeng Rappler survey, emergency alert sabotage, pagsasampa ng disqualification cases, cancellation of certificate of candidacy (COC), planong asasinasyon, at ngayon naman ang paglabas ni Guanzon.

Sa kabila ng mga paninira ninyo ay wala kayong naririnig na bwelta mula mismo sa bunganga ni BBM.

Taumbayan na ang nasasaktan sa sobra sobrang paninira at pang-aapi kay BBM.

Hindi na rin matiis ng ilang mga abogado na naniniwala kay BBM, naghahanda na rin sila ng mga kaso laban kay Guanzon.

Isa sa pinaghahandaan nila ay ang planong pagpapa-disbar kay Guanzon.

Maging si Prof. Clarita Carlos ay naniniwala na mali ang ginawa ni Guanzon at maging ang ilang lawyers na vloggers ay nagsabi rin na hindi tama ang ginawa ng Comelec commissioner.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa press conference kamakailan, kung pagbobotohan na ang desisyon ng disqualification case ng First Division laban kay BBM matapos na mag-retiro si Guanzon, ay hindi na mabibilang ang kanyang boto.

Gayahin n’yo na lang si ­dating Senador Juan Ponce ­Enrile sa sinabi niyang “GUSTO KO MASAYA KA”.