Saksi Ngayon : Foreign policy ng BBM admin FRIENDS TO ALL, ENEMY TO NONE

By Saksi Ngayon

MAGIGING kaibigan ng lahat ng nasyon ang Pilipinas.

“I think we have to find an independent foreign policy where we are friends with everyone, that’s the only way. We have to be good neighbors and we asked them to be good neighbors to us as well.

It is of mutual benefit to us,” pahayag ni Marcos.

Tiniyak din ng President-elect na ipagtatanggol ng kanyang administrasyon ang soberanya ng bansa sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa China “with a firm voice.”

“Our sovereignty is sacred and we will not compromise it in any way,” ayon kay Marcos sa kanyang kauna-unahang press briefing matapos ang proklamasyon sa Kongreso sabay sabing pagdating sa usapin ng soberanya ay dapat na “no room for negotiation there.”

Nauna rito, nagdeklara ang China ng massive territorial claims sa resource-rich South China Sea, kung saan ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan ay nago-overlap ng kanilang claims.

Muli namang pinangalanan ng Maynila ang bahagi ng katubigan na sumakop sa teritoryo nito bilang West Philippine Sea.

Hinggil naman sa usapin ng West Philippine Sea, sinabi ni Marcos na sa ilalim ng kanyang tuntunin, ang bansa “will not allow a single square, and maybe make it even more smaller, single square millimeter of our maritime coastal and up to 200 kilometers rights to be trampled upon.”

“We’re talking about China and how do we do that? We talk to China consistently with a firm voice,” anito.

Binigyang diin ni Marcos na hindi kailanman makikipag-giyera ang bansa sa China para lamang igiit ang karapatan nito sa West Philippine Sea.

“That (war) is the last thing we need right now,” ayon kay Marcos sabay sabing “So we have to continue to discuss with them the conflicting claims that we have with China and that China has with other members of the ASEAN.” (CHRISTIAN DALE)