Saksi Ngayon : ENVOYS NG BRUNEI, ITALY BUMISITA KAY PBBM

By Saksi Ngayon

MALUGOD na tinanggap ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang diplomats mula Brunei at Italy, third batch ng mga envoy na nag-courtesy visit sa kanya bago pa siya pormal na manumpa bilang pang-17 Pangulo ng bansa.

Si Brunei Darussalam Ambassador Johairah Wahab, kinatawan din ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), habang si Italy Ambassador Marco Clemente ay pang-apat na European diplomat na bumisita kay Marcos.

“Our relations have always been very, very cordial,” ang sinabi ni Marcos kay Wahab. Nagpaabot din ito ng imbitasyon para kay Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei na dumalo sa kanyang presidential inauguration.

“We will send a formal invitation… for him to come and join us during the inauguration on the 30th,” ang sinabi naman nito kay Wahab.

Sa hiwalay na pulong, pinasalamatan ni Clemente si Marcos para sa kanilang miting.

“I realized that you mean business,” ayon sa Italian diplomat.

“You wanted to meet me and we can establish a very fruitful relationship, a bilateral relationship,” dagdag na pahayag nito.

Ang Pilipinas at Italy ay nakatakdang magdiwang ng pang-75 taon ng kanilang bilateral ties.

Samantala, kapwa naman binigyan ni Marcos ang mga nasabing ambassador ng Inabel fabric, traditional weave mula sa kanyang home region na Ilocos. (CHRISTIAN DALE)