Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : DU30 NOON, BBM NGAYON!

News & Interviews
22 November 2021

By Saksi Ngayon

NANINIWALA ang nakararaming Pinoy na itinadhanang maging presidente si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) sa susunod na taon.

Tulad nila ay naniniwala rin po ang PUNA na si BBM na nga ang papalit sa tronong iiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng buwan ng Hunyo sa susunod na taon.

Bakit kamo? Kahit walang basbas ng kampo ni BBM sa mga tao ay kusa silang gumagawa ng iba’t ibang pamamaraan para maipakita nila ang kanilang mainit na pagsuporta sa batang Marcos.

Tulad halimbawa ka­­ma-kalawa, ang isinagawang motorcade ng libong supporters ni BBM na nagsimula sa Belfast St. sa tabi ng SM Fairview, Quezon City hanggang Luneta Park, Maynila ay wala pong go signal mula sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City ‘yun.

Sinabayan pa ng motor­cade ng libu-libong BBM volunteers mula sa Cavite, Pampanga, Tarlac at ibang mga probinsiya sa bansa.

Ang pagkakaisang ito ng motorcade ay sa pamamagitan lamang ng usapan gamit ang social media platform.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita lamang na muling nanunumbalik ang magandang kaugalian ng mga Pilipino na “Bayanihan”.

Ang panunumbalik ng kaugaliang ito ay nakita ng mga Pilipino sa katauhan ni BBM dahil kahit anong bato ng putik sa kanya ay nananatili siya sa kanyang panawagan ng pagkakaisa sa ating mga kababayan.

Maging kakampi ka man niya (BBM) sa pulitika o hindi ay sinasabi niyang isantabi muna ang pulitika, unahin ang pagkakaisa para makabawi tayo sa epekto ng COVID-19.

Ramdam ni BBM na marami ang naapektuhan ng COVID-19 at nangangailangan nang makabawi sila.

Kinakailangan nila ng suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakakitaan.

Hindi rin makakaya kung ang gobyerno lamang ang gagawa kundi lahat ng mga Pilipino ay magkaisa, kaya tinawag ni BBM na “unifying leadership” ang kanyang pamumuno.

Ang panawagang ito ni BBM ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pinoy na may darating na umaga sa Inang Bayan.

Kinakailangan lamang may mangungunang pinuno tulad kay dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa pagkakaisang ito ay walang imposible, lahat ng gusto ay makakamtan.

Kahit anong paninira at pananabotahe kay BBM dahil siya ay itinadhana na maging presidente ng bansa sa susunod na taon ay hindi ito magiging hadlang.

Walang kaibahan ‘yan kay dating Pangulong Duterte kahit anong paninira laban sa kanya ng mga taga-oposisyon ay hindi siya natinag.

Sa simula pa lamang na mag-file si BBM ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ay pinukol na siya ng emergency alert sabotage, martial law at Oxford University issue.

Nariyan din ang ­Rappler survey, kanselasyon ng ­kanyang COC at ngayon maging si Pangulong Duterte ay may patutsada na rin sa kanya.
Ika nga, ‘opposition, administration politics against BBM’ ngayon.

Ang lahat ng mga pani­nira at pananabotaheng ito laban kay BBM ay ang taumbayan pa rin ang ­magdedesisyon kung siya ang susunod na pangulo ng bansa.

Ang lahat ng mga ito ay lalo pang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao na lalo pa nilang ipagtanggol si BBM.

Sa A1 info na natanggap ng PUNA, may kumikilos din mula sa Palasyo para ipa-disqualify si BBM sa pagtakbo para mabigyan ng pagkakataon si Sen. Bong Go na kandidato ng ­administrasyon.

Niluluto raw ang Go-Sara tandem at matutuloy lang ito, kung mawawala si BBM.

Ang istratehiyang ito ay lalo pang nagpalubog kay Bong Go sa kanyang political career dahil karamihan sa supporters ni Pangulong Duterte ay lumapit sa kampo ni BBM.

Ayon sa kanila, ang patutsada ni Pangulong Duterte kay BBM ay ibabalik nila kay Bong Go.

Maging ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-senador ay maaapektuhan at posibleng parehas silang ­dalawa ni Go na hindi manalo sa eleksyon.

Lumalabas na ang kanyang (DU30) patutsada kay BBM ay pulitika lamang para mabigyan ng pagkatataon na umangat si Bong Bo, subalit hindi ito kinagat ng mga tao.

Ika nga ni Erap, “weather weather lang ‘yan”.

PANAHON NI DU30 NOON, KAY BBM NGAYON!

oOo