Saksi Ngayon : DESPERADONG HAKBANG NI LENI

16 March 2022

By Joel O. Amongo | Saksi Ngayon

KUNG totoo ngang nakipag-alyansa na si Vice President Leni Robredo sa mga makakaliwang grupo o New People’s Army, isa itong desperadong hakbang.

Kamakailan may mga lumabas na isyu na sumama na raw sa campaign rallies ni Robredo ang makakaliwang grupo.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PUNA, ang pakikipag-alyansa ni Robredo sa makakaliwang grupo ay estratehiya ng dilawan para matiyak nila ang panalo ng kanilang dinadalang kandidato.

Malabo kasing makipag-alyansa ang BBM-Sara UniTeam sa makakaliwang grupo dahil alam nila na isinusulong ng ­kasalukuyang administrasyon (Duterte) ang kampanya para mawakasan ang lokal na terorista/komunista.

Matatandaan na ang mga komunista rin ang dahilan ng pagbaba ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na matagal nang may alyansa ang dilawan at makakaliwang grupo dahil kay dating Sen. Ninoy Aquino.

Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy, posibleng magkagulo ang darating na May 9, 2022 national at local elections dahil sa pakikipag-alyansa ng dilawan sa mga rebelde.

Marahil isa pang dahilan kaya nakipag-alyansa ang kampo ni Robredo sa mga rebelde sapagkat nananatiling malayo ang agwat ng survey ni dating Sen. Bongbong Marcos sa kanya.

Sa apat na survey firm na nagsagawa ng survey nitong nakaraang Enero 2022 ay nananatiling malayo ang agwat ni BBM kay Robredo.

Kabilang sa mga nag-survey ay ang RMN Network na isinagawa noong Enero 26-30, 2022 na nakapagtala si BBM ng 56%, Robredo 17%; SPLAT Communications Street Surveys Enero 2022, BBM

62%, Robredo 9.70%; Laylo Report Enero 17-23, 2022, BBM 64%, Robredo 16%; at SWS Survey Enero 28-31, 2022, BBM 50%, Robredo 19%.

Sa pinakahuling inilabas ng Pulse Asia Survey, kung ­nananatiling mataas si BBM na nakapagtala ng 60% ay bumaba naman si Robredo sa 15%.

Ang survey ay isinagawa mula Pebrero 18-23 na lalo pang lumaki ang lamang ni BBM kay Robredo.

Bumaba si Robredo ng 1% mula sa dating 16% noong nakaraang Enero at naging 15% na lang ito nitong Pebrero 2022. Sa National Capital Region (NCR), nakakuha si Marcos ng 66% voter

preference, o tumaas ng siyam na porsyento mula sa kanyang 57% nitong Enero.

Maging ang 68% voter preference ni Marcos sa Mindanao ay tumaas ng dalawang porsyento, mula sa 66% niya nitong Enero.

Nananatili ring matatag ang voter preference ni Marcos sa ­Balance Luzon na mayroong 58% at 53% sa Mindanao.

Nakumpirma rin ang “Solid North” voting bloc sa nasabing survey. Nakapagtala si Marcos ng 74 % sa CAR; 82% sa Region 1; at 86 % sa Region 2. Habang si Robredo ay sumadsad ng 1 porsyento sa CAR; 7 porsyento sa Region 1 at 6 porsyento sa Region 2.

Lamang din nang malaki si Marcos sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos makakuha ng 47% voter preference.

Posibleng lalo pang bumagsak si Robredo sa mga susunod na survey matapos may nagsiwalat na photo editor na nirerepaso nila ang pictures ng campaign rallies ng Leni-Kiko tandem.

Isang nakilalang nagngangalang JayR ang viral ngayon sa social media na binabayaran daw siya umano ng kampo ni ­Robredo ng 100k kada buwan para i-edit ang mga litrato ng kanilang campaign rallies para magmuklang marami ang dumalo nito.

Gimik pa more! Pero wa epek pa rin. Kanino pa kayo makikipag-alyansa?

oOo