Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : Dating Justice Carpio desperado? DQ VS. BBM GAMIT PARA PAG-USAPAN

News & Interviews
10 January 2022

By Saksi Ngayon

KUMBINSIDO ang mga abogado ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na walang kapupuntahan ang argumentong giit ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, kasabay ng paratang na ginagamit lamang ang petisyong inihain sa Commission on Elections (Comelec) para isulong ang manok nito sa pagka Pangulo.

Paglalarawan ng batikang election lawyer na si George Briones, isang desperadong maniobra ang ipinagpipilitan ng retiradong mahistrado sa kanyang petisyon para sa pagbasura ng inihaing Certificate of Candidacy para sa posisyon ng Pangulo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Aniya, sadyang binaluktot ni Carpio ang katotohanan sa likod ng tax case ni Marcos sa paniwalang makahahabol pa ang kandidato nitong si Vice President Leni Robredo, na nasa malayong ikalawang pwesto batay sa political surveys na pinangasiwaan ng iba’t ibang grupo.

“Carpio’s mind-bending legal theory is intentional political propaganda meant to support his distant second presidential candidate, for if BBM were not leading in the surveys these DQ cases would not have been filed against him in the Comelec,” ani Briones na tumatayong secretary general ng PFP.

Para kay Briones, hangad lamang ng retiradong mahistrado ang sirain ang kredibilidad ng dating senador dahil sa nakikitang pagbuhos ng suporta sa hanay ng mga botanteng Pilipino.

“At the time Justice Carpio wrote his column on the disqualification of respondent on 28 October 2021, his presidential candidate vice president Leni Robredo endorsed by his 1Sambayan was trailing badly in the polls, a far number two to respondent who had a 47 percent nationwide preference whereas Robredo had 18 percent, or a difference of 29 percentage points despite all the efforts of the vice president and her followers to improve her lot.”

Kung pagbibigyan aniya ng Comelec ang petisyon laban kay Marcos, di malayong lahat ng mga nangungulelat sa political surveys, maghain na rin ng katulad na petisyon sa hangaring mawalan ng kalaban sa asam na pwesto, bagay na minsan nang ibinasura ng Korte Suprema batay sa SC ruling na isinulat mismo ni Carpio kaugnay ng kaso ni dating Rep. Romeo Jalosjos.

“It will establish a terrible precedent where all candidates badly trailing in the polls as the number two, will now file similar petitions to disqualify the number one in the polls, so even if they actually become the loser in the elections, they will be proclaimed the winner by litigation according to the case of Jalosjos penned by Justice Carpio himself”.

Mali rin umanong patuloy na paratangang sintensyadong tax evader ang dating senador lalo pa’t may mga dokumentadong patunay ng pinagbayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue.

Bukod kay Briones, maging ang mga kilalang legal luminaries sa bansa, kumbinsidong mababasura lamang ang mga petisyon laban sa kandidatura ni Marcos, dahil wala naman anila sa mga probisyong nakatala sa ilalim ng Omnibus Election Code ang “perpetual disqualification” sa isyung ipinupukol sa dating senador.

“Justice Carpio is a lawyer. He knows what I’m talking about,” pagtatapos ni Briones.