Saksi Ngayon : BUDGET SA EDUKASYON ‘WAG KALTASAN – MARCOS

News & Interviews
3 October 2021

By Saksi Ngayon

DAPAT pahalagahan ang edukasyon upang maging globally competitive ang mga nagsisipagtapos na estudyanteng Pinoy.

Ayon kay dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., magiging posible ito kung magiging maayos at bibigyan ng sapat na pondo ang edukasyon.

Aniya, kasabay ng paglago ng populasyon ang paglobo rin ng gastusin sa pag-aaral.

“Therefore, budgetary allocation for public schools and related facilities, and new alternative learning systems and platforms on account of the pandemic, academic and support personnel compensation, scholarship and related academic entitlements and continuing education for teachers should be spared from budgetary cuts,” giit ng dating senador.

“This is the only way Philippine education can keep up with international standards and make Filipino graduates globally competitive,” paliwanag pa niya.

Kasabay nito, hinikayat ni Bongbong ang mga senador sa gagawing pagtalakay ng Senado sa budget ng Department of Education at mga attached agency nito sa Huwebes, na tiyaking hindi mababawasan ang pondo ng ahensya.

Mahalaga aniya sa pag-unlad ng bansa ang edukasyon kaya dapat gamitin ng Kongreso ang kanilang ”power of the purse’ upang matiyak na hindi makaaapekto sa mga gampanin ng ahensya ang pagbawas sa pondo nito.

“Paano uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang ating edukasyon dahil ang mga institusyong nangangasiwa nito ay hindi makapag-operate nang maayos dahil sa kakulangan sa budget?” aniya.

Reaksyon ito ni Bongbong sa ulat na binawasan ng Department of Budget and Management ang pondo ng DepEd at attached agencies nito sa National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso.

Nauna nang humiling ang Commission on Higher Education ng P62.3 billion para sa 2022, ngunit ibinaba ito sa P52.6 billion base sa rekomendasyon ng DBM.

Dahil dito, P9.6-billion ang mababawas sa kagawaran at mangangahulugan ng zero allocation sa mahahalagang programa tulad ng pagpapatupad ng Doctor Para sa Bayan Act, Universal Access to Quality Tertiary Education, RA 11448 or Transnational Higher Education, Medical Scholarship and Return Service, Construction of the Proposed Higher Education Development Center, at iba pa.

Maaapektuhan din sa nasabing budget cuts ang pondong ilalaan sa pagpapabuti sa regional offices ng CHED, Transnational Education Program, at Universal Access to Quality Tertiary Education, na nagkakaloob ng libreng tertiary education.

Sapul din nito ang mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa, partikular sa Mindanao, maliban sa isang campus.

“Education is a very important weapon towards economic recovery in the face of the challenges posed by the Covid pandemic. Kailangang siguraduhing may bala ang mga ahensyang nangangasiwa nito para muling tayong makabangon,” giit pa ni Bongbong.