Saksi Ngayon : BONGBONG NAPIPISIL NG NAKARARAMING PINOY

30 January 2022

By Saksi Ngayon

SUPORTADO ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa kasaysayan ng pulitika sa bansa, ngayon lang mangyayari sa Halalan 2022, ang pagkakaroon ng caravan na nilahukan ng mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng virtual o online na aktibidad.

Ito ang ibinida ni dating punong barangay Boy Guinto ng Barangay 210, Zone 19, Distrito 2 ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay Guinto, maging siya umano ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita sa social media kung saan bumubuhos ang suporta ng mamamayan kay Marcos Jr.

Matapos ang interview ni Boy Abunda ay nadagdagan pa ang humanga at napabilib kay Marcos Jr.

“Pag natalo bro, hindi mo na ako makikita dito sa puwesto ko,” pahayag ni Chairman Guinto na nasa kanyang stall sa Avenida Rizal. ( RENE CRISOSTOMO)