Saksi Ngayon : BBM TOP CHOICE NG MANILENYO SA PAGKA-PRESIDENTE

22 February 2022

By Saksi Ngayon

WALANG duda na si presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang iboboto ng mga taga-Maynila, base na rin sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao nang magdaos siya ng caravan doon noong Sabado.

Kasabay nito, sinabi ni mayoralty aspirant Alex Lopez na si Marcos ay nagtataglay ng kakayahan at katangian ng isang mahusay na pangulo.
“He has the vision, he has the heart, he has the willpower … At sa galing niya and sa competence niya, with his vision, I think he will make the best president,” ayon kay Lopez.

Para kay Lopez, ang panawagan ng UniTeam na pagkakaisa ay isang empowerment tool upang makatulong na mapabuti ang buhay ng marginalized sector, na aniya ay napabayaan na ng mahabang panahon.
“We are calling for unity to support BBM and Sara, and we are also calling for change, a drastic change for the people of Manila. It’s about time that we uplift the lives of the poor,” wika niya.
“They have been much neglected, and the marginalized have not been uplifted, so we are moving for marginalized empowerment.

You need unity to empower the marginalized,” dagdag pa nito.

Ayon kay Lopez, kahit na ang siyudad ng Maynila ay pinamumunuan ng isa sa mga presidential candidate at maituturing na kanyang balwarte, daan-daang libong supporters pa rin ang mag-aabang sa labas ng kani-kanilang tahanan upang makita si Bongbong.

Suot ang kanilang pulang T-shirt, daang libong taga-suporta ng UniTeam ang sumama kay Marcos sa kanyang paglalakbay sa kahabaan ng Parola hanggang Herbosa Street sa Tondo sa loob ng dalawang oras.

Hiyawan at tilian ang sumalubong kay Marcos nang makita siya sa unang pagkakataon, hindi napigilan ng mga tagasuporta ang kanilang paghanga at masayang sumigaw ng “BBM!” tuwing dadaan siya.

Kita ang pagmamahal sa bawat lansangan ng Maynila sa mainit na pagtanggap ng mga suporta kay Marcos. Ilan sa kanila ang nag-abot ng rosas at tila naging fiesta ang kanyang caravan dahil sa mga musiko at taga-suportang sumasayaw sa kanyang bawat daanan.

Ang matatandang tagahanga ni Marcos ay halos maiyak sa kagalakan nang makita siya habang winawagayway ang kanilang mga banner at tarpaulin. Kahit mga Grab rider ay napahinto para lang makita ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ilan sa supporters ang sumigaw ng: “Walang matutulog sa election! Panalo na tayo!”

Dahil naging mabagal ang pag-usad ng motorcade, nagkaroon ng pagkakataon si Marcos na mapirmahan ang mga dalang T-shirt, tarpaulin at imahe ng mga taga-suporta.
Natapos ang motorcade bandang 5:30 ng hapon.

Si Lopez na ang nanguna sa pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Jaboneros, Binondo, Manila.

“We were supposed to cover three districts but only managed one district. We were mobbed every step of the way. We would like to thank the people of Tondo for their warm welcome,” sabi niya.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taga-suportang naghintay sa mga lugar na hindi na nabisita ni Marcos.

“Alam ko madaming naghintay dahil may mga announcements but we are thankful for their warm reception,” wika ni Lopez.

Kumpiyansa
na mananalo

Kaugnay nito, kumpiyansa sina Lopez at kanyang ka-tandem na si vice mayoral candidate Raymond Bagatsing na mananalo ang kanilang grupo sa halalan sa darating na Mayo 9 kung pagbabasehan ang mainit na pagtanggap ng mga Manilenyo sa UniTeam.

Kasabay nito, humihingi ng paumanhin si Atty. Lopez sa ibang Manilenyo na nag-abang ngunit hindi napuntahan ng caravan ni BBM.

Batid aniya nilang matiyagang naghintay sa arawan ang mga tagasuporta matapos ang kanilang maagang announcement sa isasagawang sortie.

Subalit dala ng kakapusan sa oras ay hindi naikot ng grupo ang kabuuan ng lungsod.

Habang umuusad ang caravan ay panay naman ang paalala ni Atty. Lopez na huwag kalimutang sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at paggamit ng alcohol.

Umaasa si Atty. Lopez na hanggang sa huli ay ganito ang maging saloobin ng mga Manilenyo para sa buong grupo ng UniTeam upang makamit ng buong bansa ang tunay na pagbabago at makabangon muli sa pandemya. (RENE CRISOSTOMO)