Saksi Ngayon : BBM SIGURADO NA ANG PANALO!

23 March 2022

By Joel O. Amongo | Saksi Ngayon

SIGURADO na ang panalo ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. (BBM) matapos ang sunod-sunod na pag-endorso sa kanya ng iba’t ibang grupo.

Kamakailan, unang nagpahayag ng suporta kay BBM ang grupo ng mga retiradong heneral mula sa pulisya at militar.

Maging ang ilang lider ng simbahan ay yumakap na rin sa panawagan na pagkakaisa ng tambalan nina presidential candidate Ferdinang Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential ­aspirant Mayor Inday Sara Duterte kasabay ng pagsang-ayon na ito lamang ang susi upang tuluyan nang umunlad ang bansa.

Si Bishop Leopoldo ­Jaucian ng Diocese of Bangued sa Abra ang nanguna sa pag-pray over at pagbibigay ng bendisyon kina Marcos at Inday Sara nang bumisita sa kanya ang UniTeam nitong nakalipas na Miyerkoles.

Sinabi ni Bishop Jaucian na ang panawagang pagkakaisa nina Marcos ang isa sa pinakamatibay na simula para makaahon sa ­matinding kahirapan ang bansa.

Sa harap ng iba pang ­kaparian, ipinanalangin ni Bishop Jaucian ang tagumpay nina Marcos at Duterte, gayundin ang kanilang kaligtasan habang iniikot ang bansa para sa pangangampanya.

Nang bumisita naman sa Jesus Christ the Deliverer Church sa Guiguinto, Bulacan, tinawag naman ni Bishop Ted Malangen si Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa.

“Kita n’yo naman ang ­aking face mask oh, BBM-Sara. Next, ladies and gentlemen, we shall welcome, the president of the republic of the Philippines, Ferdi­nand Bongbong Marcos Jr. “BBM”,” ani Bishop Malangen na sinalubong din ng masigabong palakpakan ng buong kaparian.

Ayon kay Marcos, magandang simula ang ginawang ­pagyakap sa kanilang pana­wagang pagkakaisa dahil naniniwala siya sa tulong ng mga iginagalang na alagad ng simbahan, tuluyan nang mapagtatagumpayan ng pagmamahalan nating lahat bilang agkakaisang Pilipino.

“Pareho din ang ating adhikain ng Jesus Christ the Deliverer, is that tayo ay magkaisa, that we should love each other. Iyon lang naman ang aming isinisigaw, kaya’t marunong na marunong naman ang mga Pilipino, na ­tumingin kung ano ba talaga ang tama na dapat gagawin ng ating mga leader,” wika pa ni Marcos.

Para naman kay Duterte, malaking bagay ang suportang ibinibigay sa kanila ng kaparian lalo’t nahahati ngayon ang bansa.

“Kami po ay sobrang n­ag­papasalamat sa oportunidad at oras na ibinigay n’yo sa amin ngayong umaga na ito na makasama kayo, makilala kayo at makapagdasal kasama kayo,” ani Duterte.

Inendorso na rin ng ruling administration party na PDP-Laban — na co-founded ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. — ang kandidatura ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagkapangulo.

Ito ang inanunsyo ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi, partido pulitikal ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa isang Facebook live stream noong Martes.

Ang resolusyon pagdating sa pag-endorso ay kumpirmado na rin ng resolusyong inilabas ng PDP-Laban.

“[A]fter careful and exhaustive deliberations the National ­Executive Committee endorses the candidacy of Senator ­Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for President of the Republic of the Philippines [in] the forthcoming 2022 National Elections,” ayon sa resolusyong pinirmahan ni Cusi na may petsang ika-21 ng Marso.

“[H]e is the candidate whose vision of governance is most aligned with PDP-Laban’s 11-point agenda… to promote ‘Unity for Sustainability’ of socio-economic development and national progress.”

“We appreciate deeply the PDP-Laban’s kind endorsement of presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” wika ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

“The trust it placed in him inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground.”

Wika nina Rodriguez, natutuwa sila sa pagsali ng PDP-Laban sa “bandwagon of support” sa BBM-Sara UniTeam, habang nagmamatyag sa ugong-ugong na magkakaroon ng dayaan sa parating na eleksyon.

Inaasahan na ang lalo pang pagtaas sa susunod na mga survey bago pa man dumating ang May 9, 2022 national and local elections.

Kung dati ay pumapalo ng 60% ay posible pang tumaas ng 70% hanggang 80% sa survey si BBM.

Ika nga ng taumbayan, tapos na eleksyon at panalo na si BBM.

oOo