Saksi Ngayon : BBM-SARA TULOY SA PANGUNGUNA

By Saksi Ngayon

ABOT-KAMAY na ang pagbabalik sa Malakanyang ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa patuloy nilang pangunguna ng kanyang ka-tandem na si Inday Sara Duterte sa halalan nitong Lunes.

Mula nang simulan ang pagbibilang ng mga boto ay nanguna si Marcos Jr. at napanatili niya ang malaking kalamangan sa mga katunggali.

Base sa 9:00 am partial at unofficial na tally, nakakuha si Marcos ng 30,622,302 na boto kumpara sa kalabang si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 14,611,211 na boto.

Nasa ikatlong puwesto naman si Senador Manny Pacquiao na mayroong 3,541,623 na boto habang nasa ikaapat na puwesto si Manila Mayor Isko Moreno na may 1,861,818 na boto.

Sa pagka-bise presidente ay napipinto rin ang landslide win ni Duterte na nakakuha ng 31,003,239 na boto kontra sa mga kalabang sina Senador Francis Pangilinan na nakakuha lang ng 9,101,744 na boto at Senator Tito Sotto na nakakuha ng 8,100,944.

Sa pagkasenador naman ay nangunguna si Robin Padilla, pangalawa sa Loren Legarda at pangatlo si Raffy Tulfo.