Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : BBM-SARA SA 2022 TULOY NA

News & Interviews
13 November 2021

By Saksi Ngayon

TAPOS na ang mga haka-haka sa tandem nina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections nang maghain ngayong araw ng kandidatura sa pagkabise presidente ang kampo ng huli.

Nagtungo sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kinatawan ni Mayor Sara bago mag-alas-2:00 ng hapon ngayong Sabado at naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente.

Nabatid na siya ang magiging substitute candidate ng Lakas-CMD, kung saan siya sumapi matapos magbitiw sa Hugpong ng Pagbabago.
Papalitan niya si Lyle Uy na unang naghain ng kandidatura sa pagka-pangalawang pangulo.

Sa isang dokumento mula sa Partido Federal ng Pilipinas na nag-endorso sa kandidatura ni Marcos sa pagka-presidente, kanilang in-adopt ang nakababatang Duterte upang maging bise presidente.

Dahil dito, tuloy na ang matagal nang inaasam na tambalan ng dalawang itinuturing na malaking pangalan sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.