Saksi Ngayon : BBM-SARA HAHAKOT NG SUPORTA – DEFENSOR

8 April 2022

By Saksi Ngayon

INAASAHAN na hahakot pa ng mas maraming suporta sa mga botanteng Pinoy ang UniTeam tandem nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte sa natitirang buwan bago ang halalan sa Mayo 9.

Ito ang deklarasyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung pagbabasehan ang pinakahuling survey kung saan nangulelat ang ibang kandidato.

“It’s the natural occurrence in every election. As voting nears and the dominant candidates emerge, people switch to the survey leaders. They will naturally choose the candidates they think will win,” ayon sa mambabatas.

Inihalimbawa nito ang Quezon City kung saan siya ang manok nina Marcos at Duterte sa mayoral race pero sinusuportahan na umano ni Mayor Joy Belmonte si Marcos.
Maraming poster na umano ni Belmonte na nagpapakita ng suporta nito kay Marcos ang nagkalat sa lungsod gayung kamakailan lamang ay nakipag-alyansa na ito kay Vice President Leni Robredo.

“Here in our city, Mayor Joy Belmonte has come out with posters professing support for Bongbong Marcos, when she has already allied herself with Vice President Leni Robredo. I don’t mind that because it helps our candidate, but it’s bad for her candidate. Mayor Joy is indulging in too much politics,” ayon sa kongresista.

“The biggest beneficiaries in the shift in voter preference will be BBM and Mayor Inday Sara, because of their insurmountable survey lead over their closest opponents. They will gain more voters than the others, since they are the frontrunners,” giit ng mambabatas.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 56% sa mga botante ang boboto kay Marcos na malayong malayo sa 24% ni Robredo at 36% ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Dahil dito, imposible na umanong mahabol ni Robredo ang 32% na lamang ni Marcos at 36% ni Duterte laban kay Sotto sa natitirang isang buwan bago ang halalan.

“Even if they gain 10 points in the homestretch, it would not be enough. The lead of the BBM-Sara tandem is too huge to surmount. I see Bongbong Marcos and Mayor Inday winning the elections,” pagtiyak pa ni Defensor. (BERNARD TAGUINOD)