Saksi Ngayon : BBM NANINDIGAN SA PRO-LIFE; RAPE VICTIMS, INCEST POSIBLE SA ABORTION

27 January 2022

By Saksi Ngayon

NANININDIGAN si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mahalaga sa kanya ang buhay ng bawat isang tao, subalit maaaring pumabor siya sa legalisasyon ng abortion, depende sa bigat ng sitwasyon at kadahilanan.

Nilinaw ni Marcos sa ‘The Boy Abunda Presidential One on One Interview,’ na anumang pagpayag niya ay sa kadahilanang gusto niya lamang na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga biktimang kababaihan na tutol sa kanilang pagbubuntis.

“We (will) allow these critical cases to avail of that therapeutic abortion in those instances,” he added.

Aniya madalas na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga biktima na napipilitang magpa-abort sa mga illegal na abortion clinic.

“Yes, I think for very severe cases like you say the majority of cases are rape victims and I think they can show (that) they were raped and it’s not consensual sex that got them pregnant, then they should have this choice to abort or not,” ani Marcos.

Isa pa rin aniya sa maaaring pahintulutang magpa-abort ay kung may problema sa pag-iisip ang isang buntis na biktima ng sexual crime.

“The other is incest perhaps or if the mother who’s usually quite young is not capable or has mental deficiencies or is just not capable, emotionally or mentally to take care of a child, and maybe those are the cases where we can see that abortion might be justified,” sabi pa nito.

Bagamat alam niyang maaaring mabatikos siya ng mga religious group, sinabi ni Marcos na hindi niya tinitingnan sa usapin ang relihiyon kundi ang kapakanan lamang ng mga biktimang kababaihan.

“I cannot argue with the theology all I argue is the statistics that you have given me 60,000 people, 60,000 are hospitalized because of botched abortion how many women die, that’s more,” pahayag pa ni Marcos kay Abunda.

Mahalaga din sa kanya ang buhay ng mga kababaihang biktima na maaring di kayanin ang trauma ng pagbubuntis na hindi naman niya ginusto.

“We want to save people, we want to save lives of women and that is in effect what we are doing. Again as a public administrator and as a public servant what you are looking for is to avoid all of these tragedies,” paliwanag niya.

“Every single one of these statistics that you have read is tragedy in itself it affects the woman involved, it affects the entire family, generally, it affects them for the rest of their lives,” dagdag pa ni Marcos.

“If the Congress will pass a law and that is the will of the people, the majority of the Congress is representing the general populace if it is their will that we have that then,” pagbibigay-diin niya.