Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : BBM HUMATAW SA MBC-DZRH SURVEY

News & Interviews
20 December 2021

By Joel O. Amongo | Saksi Ngayon

ALIKABOK ang kakainin ni Vice President Leni ­Robredo laban kay dating Bongbong Marcos (BBM) kung nitong ­Disyembre 11 hanggang 12, 2021 ginanap ang ­presidential election.

Bakit kamo? Base sa inilabas na latest survey ng Manila Broadcasting Company (MBC) DZRH radio station ay sobrang layo ang diperensiya ng boto ng dalawang presidentiable.

Sa by region na isinagawang survey ng MBC-DZRH mula Disyembre 11 hanggang 12 taong kasalukuyan, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay lamang si BBM laban kay Robredo.

Maliban sa nag-iisang Region 5 (Bicol Region) na kilalang balwarte ni Leni Robredo dahil residente siya ng Naga City.

Subalit simula National Capital Region (NCR) hanggang sa pinakahuling rehiyon ng bansa ay malayo ang lamang ni BBM kung ikukumpara kay Robredo.

Sa NCR ay nangunguna si BBM na nakapagtala ng 46.6%, pumangalawa si Isko Moreno na may 26.8%, pumangatlo lamang si Leni Robredo na may 10.1%.

Nasa 74.7% ang survey ni BBM sa Region 1, pangalawa si Robredo na mayroon lamang 10.5%.

Napakataas din ng diperensiya ni BBM na nakapagtala ng 64.3% survey sa Region 2, kung ikukumpara kay Robredo na pangalawa na may 16.5%.

Ganun din sa Region 3 na may 46.8% para kay BBM at pangalawa si Robredo na mayroon lamang 19.1% survey.

Humataw pa rin si BBM na may 50.8% para sa Region 4A, kung ikukumpara sa pangalawa sa kanya na si Robredo na may 14.9%.

Malayo pa rin ang diperensiya ni BBM na may 49.6% sa MIMAROPA Region sa pumangalawa sa kanya na si Robredo na may 17.9%.

Sa Region 5 na kilalang balwarte ni Robredo ay nakapagtala siya ng 57.6% kung ikukumpara sa pumangalawa sa kanya na si BBM na may 23.8%.

Bagama’t nangunguna pa rin si BBM sa Region 6 na naka­pagtala ng 33.3% ay maliit lamang ang kanyang diperensiya laban kay Robredo na may 32.4%.

Muli namang humataw si BBM sa Region 7 na may 42.0% habang ang pumangalawa sa kanya ay si Sen. Manny Pacquiao na may 14.2%, pumangatlo lamang si Robredo na may 12.7%.

Nakapagtala rin ng malayong diperensiya si BBM sa Region 8 na kilalang lugar ng kanyang Mommy na si Dating Unang Ginang Imelda Marcos, na nakapagtala ng 56.1% laban kay ­Robredo na may 13.5%.

Nananatiling nangunguna pa rin si BBM sa Region 9 na may 48.5%, pumangalawa si Manny Pacquiao na may 15.7%, pang-apat lamang si Robredo na may 8.4%.

Sa Region 10 ay nasa number 1 pa rin si BBM na may 57.0% laban kay Robredo na nasa pang-lima na may 6.3% lamang. Lalo pang tumaas si BBM sa Region 11 na nakapagtala ng 68.3 laban kay Robredo na nasa pang-apat lamang na may 3.1%.

Nangunguna pa rin si BBM sa Region 12 na may 54.4% laban kay Robredo na muling nasa pang-apat lamang na may 5.0%.

Sa ARMM Region ay nananatiling nasa number 1 si BBM na may 37.4% at nasa pang-lima lamang si Robredo na may 7.1%.

Malayo rin ang diperensiya ni BBM sa CARAGA Region na nakapagtala ng 46.3% laban kay Robredo na nasa pang-apat lamang na may 7.9%.

Sa pinakahuli ay nakapagtala pa ng pinakamataas na survey si BBM sa CAR na nakapagtala ng 75.3% laban kay Robredo na pumangalawa at nakapagtala lamang ng 8.0%.