Saksi Ngayon: BBM ECONOMIC TEAM APRUB SA KONGRESO

By Saksi Ngayon

KASUNOD ng mga anunsyo kaugnay ng mga nakatakdang umupo bilang kalihim ng iba’t ibang departamento, nagpahiwatig ng positibong reaksyon ang Kamara sa mga economic managers ng susunod na administrasyon.

Para kay House ways and means committee chairman Rep. Joey Salceda, pasok sa kanilang pamantayan ang kwalipikasyon ng mga napipintong kumatawan sa economic team ni incoming President Ferdinand Marcos Jr.

Partikular na tinukoy ni Salceda ang pagtatalaga ni Marcos Jr. kina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno sa Department of Budget and Management (DBM).

“I am elated by the selection of BSP Governor Ben Diokno to the Department of Finance. He is, by far, the strongest appointment President-elect BBM has made,” aniya, kasabay ng paglalarawan kay Diokno na isang respetadong personalidad saan mang panig ng mundo.

Bukod sa pagiging prominente, may malawak na kaalaman at karanasan rin aniya si Diokno sa larangan pangangasiwa, pananalapi at maging sa pagbalangkas ng polisiya – mga katangiang higit na angkop sa economic team ni Marcos na nahaharap sa mahabang talaan ng mga suliraning iiwanan ng paretirong Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa man itinalagang BSP Governor, nagsilbi rin si Diokno bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Bukod kay Diokno, akma rin aniya ang pagpasok ni Philippine Competition Commission (PCC) Chairman Arsenio Balisacan na itinalaga naman para muling pamunuan ang National Economic Development Authority (NEDA).

“I am also elated by the news that Philip Medalla will be BSP Governor to replace Ben Diokno. Philip knows more than almost anybody else in the country about how to manage debt sustainably.

All in all, the Diokno, Balisacan, and Medalla appointments are solid choices and I expect to work with the economic team more closely in the weeks ahead.”

Narito ang iba pang makakasama sa gabinete ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.: DepEd– VP-elect Sara Duterte; OES – Atty. Vic Rodriguez; DTI – Alfredo Pascual; DILG – Benhur Abalos Jr.; DOJ – Boying Remulla; DOLE – Benny Laguesma; DMW – Susan “Toots” Ople; PCOO – Trixie Cruz-Angeles; DPWH – Manny Bonoan; at Special Assistant to the President – Anton Lagdameo. (BERNARD TAGUINOD)