Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : BBM camp sa pagdeklarang nuisance sa 2 pang Marcos TINIG NG KATOTOHANAN NANAIG SA COMELEC

News & Interviews
10 January 2022

By Saksi Ngayon

KAPURI-PURI para sa kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ideklarang nuisance candidates sina Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, ang aksyon ng poll body ay nagpapakita ng demokrasya at pumipigil sa pangungutya sa halalan.

Bahagi ng inilabas na statement ni Rodriguez:

“We commend the Comelec for its decision declaring Tiburcio Marcos and Maria Aurora Marcos nuisance candidates. We give it to the members of this august body for seeing through the schemes and machinations of certain political camps to make a mockery of the electoral process by resorting to gutter politics. The right to vote, enshrined in the Philippine Constitution, our right to select our leaders through the ballot, shows the whole world that we are a free people, gifted with the freedom to chart our own destiny. Again, we praise the Comelec for heeding the voice of truth and wisdom.”

Ang dalawang Marcos ay opisyal nang inalis ng Comelec sa listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections.