Saksi Ngayon : BBM #1 PA RIN; MISSILE ATTACKS NG KALABAN ‘DI UMUBRA

31 March 2022

By Rudy Sim | Saksi Ngayon

ANG kalagayan ng ­eleksyon ngayon sa ating bansa partikular sa presidential frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay maihahalintulad sa patuloy na pag-atake ng Russian forces na mahigit isang buwan nang nag­dulot ng matinding pagkawasak sa bansang Ukraine ngunit ­naging matatag ang kanilang Pangulo na si Volodymyr Zelensky na hindi sukat akalain ni Russian President Vladimir Putin na ang isang dating komedyante sa pelikula ay ­kayang harapin nang buong tapang at ipinagtanggol ang kanyang bansa sa pilit na pagkubkob dito.

Mula pa nang ­magsimula ang campaign period sa ­ating bansa ay halos inulan na ng tila missile attacks si BBM at puntirya ng pag-alipusta ang kanyang pamilya ngunit dahil sa pagiging makatao nito at pinalaking disiplinado ng kanyang mga magulang, ay naging kalmadong humarap sa mamamayang Pilipino imbes na gumanti ng putok laban sa kanyang mga katunggali sa pulitika.

Noong panahon ni ­dating angulong Ferdinand E. Marcos ay ginamit ng opposition leaders ang pakikipagsabwatan sa ilang negosyanteng nagmamay-ari ng ilang broadcasting company at print media upang magpakalat ng maling impormasyon para pabagsakin ang gobyerno para sa kanilang pansariling interes. Sa modernong panahon naman ngayon ay ang social media ang ginagamit ng ilang news agency partikular ang Rappler, na nagiging ­biased sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon.

Ano nga ba ang ­gi­na­gampanan na papel ng Rappler sa bansa? Mag­pahayag ng katotohanan, accurate at balanseng balita o magsilbing spokesman propagandist ng opposition lalo na ng dilaw na hinaluan lamang ng puti upang maging pink. Ang Rappler na pag-aari ng dayuhan ba ay mayroong karapatang legal upang mag-operate sa bansa?

Naging laman din ng mga banat nina Pacquiao, Isko at Lenlen ang patungkol sa estate tax umano ng mga Marcos na hindi pa nasisingil ng BIR, na ayon sa tagapagsalita at Chief of Staff ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez ay pulitika ang dahilan kung bakit ito pilit na kinakalkal ng mga kalaban sa pulitika at hindi hayaan na lamang ang tamang proseso ng batas.

Tila ang pagiging maka-­Diyos kuno ni Manny Pacquiao ay naging kabaliktaran at nang wala nang maibato laban kay BBM ay ang dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos naman ang kanyang pinupuntirya. Nakalimutan mo na yata Manny, ang kinuha mo umanong advance payment para sa isang laban na hindi natuloy at hindi naibalik. Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang taong kumuha ng alinmang bayad sa hindi natuloy na proyekto ngunit hindi ibinalik ang kabayaran ay maaaring maharap sa kasong Estafa. You Know!

Ang patuloy na ­pangunguna ni BBM ay mahirap nang higitan ng mga kalaban nito dahil ang sambayanan ay hindi na muling magpapaloko sa political propaganda ng ibang presidential candidates lalo ang pakikipagsabwatan ng mga ito sa komunista kagaya na lamang sa administrasyon ni Cory Aquino na ilang buwan pa lamang sa kapangyarihan ay inuna pang pakawalan ang lider ng CPP-NPA na si Joma Sison noong 1986 mula sa kanyang military detention sa Fort Bonifacio mula nang ipaaresto ito ni Marcos Sr. dahil sa rebelyon at sedisyon.

Kaya’t maging mapanuri sa darating na Mayo 9 at huwag iboto ang mga taong nakikipagsabwatan sa komunista dahil ang kapalit nito’y ang seguridad ng bansa.

Ang pangulo ng bansang Ukraine na si Zelensky ay isang halimbawa na kahit paulanan ng missiles ay hindi matitinag sa taong sakim sa kapangyarihan. Ganito rin ang naging suporta ng sambayanang Pilipino kay BBM na ipaglalaban sa mga mapanirang akusasyon ng kanyang mga kalaban upang makamit ang tunay na demokrasya sa muling pagbangon ng bansa.

Ang mga malisyosong video uploads sa social media ng ilan sa mga ­supporters ni Lenlen partikular ang ‘below the belt’ na jokes ay isang halimbawa ng desperadong desisyon kaya’t maging halimbawa ang nangyaring violent acts kamakailan ng Hollywood actor na si Will Smith laban kay Chris Rock sa ginanap na Oscar awards. Masakit na makita mong sa harap ng maraming tao ay pinagtatawanan ang iyong mahal sa buhay sa kabila ng medical conditions nito kaya’t napakahalaga sa isang tao na mayroong respeto dahil hindi lahat ng joke ay nakatatawa.

Oh, hayan retarded. este’ retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon, maging professional ka naman.

Sa pag-alipusta sa pagkatao ni BBM, maging sa kanyang pamilya, ay hindi natin naringgan kahit minsan na ito’y gumanti sa salita man o sa gawa kaya’t ang ipinapakitang asal nito ay kahanga-hanga hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo at ang taong mapagkumbaba ay lalong itinataas.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)