Saksi Ngayon : Base sa latest survey LANDSLIDE VICTORY SA BBM-SARA UNITEAM

15 March 2022

By Saksi Ngayon

PATUNGO na sa tiyak na panalo ang tambalan nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte base sa pinakahuling survey, halos dalawang buwan na lamang bago ang halalan sa Mayo.

Reaksyon ito ni House Majority Leader at Lakas-Christian Muslim Democrats President Martin Romualdez kaugnay ng huling Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero 18 hanggang 23.
Ayon kay Romualdez, bagaman halos dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago ang halalan, napanatili ng kanilang mga kandidato ang mataas na puntos.

“Our candidates have maintained their high marks, less than two months before the May elections. Despite such survey showing, they will keep on campaigning and spreading their message of hope, patriotism and unity,” ani Romualdez.

Sa kabila nito, hindi anya sila titigil sa pagpapakalat ng mensahe ng pag-asa, pagmamahal sa bayan at pagkakaisa.

“Our candidates will try their best to improve or at least sustain their survey showing in the remaining days of the campaign,” ani Romualdez, na kasamang nag-iikot ng UniTeam sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Based on these latest numbers, BBM and Mayor Inday Sara would the first candidates for president and vice president in our recent history who could win by a majority vote, instead of a mere plurality,” ayon pa sa mambabatas.

Idinagdag pa ng kongresista na ang Pulse Asia Survey noong isang buwan ay patunay na napakaraming sumusuporta kina Marcos at Mayor Inday sa buong bansa.

Ang katunggali naman ni Marcos na si Vice President Leni Robredo, ay nakakuha lang ng 16 percent sa February survey, mataas lang ng isang puntos sa kanyang nakuha noong Enero habang si Marcos Jr. ay may 60 percent.