Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : ANG KAPAL NINYO!!!

News & Interviews
2 November 2021

By Saksi Ngayon

KILALANG partido, susuporta raw kay Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pero ang dami namang DEMANDS!!!

Napag-alaman ko mula sa aking mapagkakatiwalaang source na naki­pagpulong kay BBM ang naturang partido at sinabi raw na ibibigay nila ang kanilang buong suporta kay BBM sa darating na

halalan. Subalit mayroong kapalit na hindi naman naging katanggap-tanggap sa panig ni BBM.

Sinabi ng aking source na nito lamang nakalipas na mga linggo naganap ang naturang pagpupulong na hindi ito gaanong nag­tagal, dahil sa sobrang dami
ng demand ng naturang partido ay pinatigil na ito ni BBM, at sinabihan ang chairman ng naturang samahan na huwag na lang at salamat, sabay tayo at nagpaalam na si BBM sa naturang meeting.

Hay naku!!! akala ko ba ang grupong ito ay isinusulong na mawakasan na ang nakawan at ang korupsyon sa pamahalaan, pero ang ginagawa ninyo mismo ay malinaw na “KORAPSYON”!!!

‘Di na ba kayo nahiya sa inyong mga sarili!!! ‘Di pa man ay gusto nyo nang manduhan si BBM!? Mabuti na lang at nanindigan si BBM at hindi nagpatinag sa inyong kabulastugan!

Sobrang nakakahiya ang samahang ‘yan!!! Sabagay ‘di naman kayo kakulangan sa kampo ni BBM dahil kayo nga mismo ay nagkakagulo eh.

Kaya kayong mga gustong tumulong sa nais niyong mga kandidato, aba’y tumulong na lang kayo at huwag nang magtakda ng kapalit, kagaya ng ginawa ng kilalang partidong ito ng bansa.

‘Di pala kayo naiiba kay VP Leni Robredo na kaya raw siya kakandidato sa pagka-pangulo ay upang labanan daw ang kandidato ng administrasyon at huwag pahintulutang maupo ang isa na namang Marcos sa Malacañang, aba’y bakit???

Parang nakakasiguro kayo, Madam “L” na kayo ang mananalo, bakit??? Mayroon na naman ba kayong planong gawin??? Hindi na po ‘yun mangyayari dahil nagbabantay na ang taong bayan,

gising na ang mamamayang Pilipino kaya’t wala na kayong mauunggoy pa, at hindi mo na mahahadlangan ang pag-upo ng isa na namang Marcos sa Malacañang.

Kaya hayan tuloy, nilalait ka na ng publiko sa kalye survey ng ilang Youtuber. Kaya nga kung bansagan ka nila eh “L”, ikaw na po ang mag-interpret n’yan.

Hala!!! Akala ko nag­laho na si Padre Damaso, nanatili pa pala ang kanyang kamandag hanggang ngayon sa Simbahang Katoliko.

Kakahiya ka, Padre Damaso, este Father Dyames Uy-Gascon, dapat siguro ay pagnilay-nilayan mo, at idulog sa Diyos ang iyong inasal baka nasasapian ka na ng hindi kagandahang espiritu!!!

Ano kaya ang masasabi ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa inasal ni Father Gascon??? At sana rin umaksyon din ang pamunuan ng mga madre sa ipinakita naman ng isang madre na kitang-kita sa social media habang iwinawagayway nito ang kulay pink na banderitas na hawak-hawak nito sa pagdaan ng motorcade nina Madam “L”.

Wala na ba talagang delicadeza ang ilang namumuno ng Simbahang Katoliko??? Hindi na ba ninyo naisip man lang na kayo mismo ang ­gumagawa ng dahilan o nagtuturo sa mga tao upang magkahati-hati!? Dapat NEUTRAL lang kayo pagdating sa pulitika!!!