Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : 500 LAWYERS MAGBO-VOLUNTEER PARA IPAGTANGGOL SI BBM

News & Interviews
19 November 2021

By Saksi Ngayon

PARANG magrarali na sa dami ng mga abogadong gustong magtanggol kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang kinakaharap na kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC).

Hindi lang basta-bastang mga abogado, ang limang daan na ito na nagboluntaryong magtanggol kay BBM, pawang mga de kampanilya at dekalidad.

Kabilang sa mga ito ay si dating solicitor general Atty. Estilito Mendoza na handang ipagtanggol si BMM nang walang kabayaran.

Ganun po ang paniniwala ng mga abogadong ito na si BBM ay malinis sa mga ibinabato laban kanya.

Ayon kay Elaiza David, director ng Commission on Election (Comelec) Education and Information Department, isasagawa na ang video conference sa isinampang kanselasyon ng COC laban kay BBM.

Binigyan ng limang araw ang kampo ni BBM mula sa pagkatanggap ng summons para sagutin ang petition na inihain noong Nobyembre 2 ng mga aktibista.

Ang conference na gaganapin sa Nobyembre 26 ay kailangang daluhan ng bawat party o ng kanilang mga abogado.

Ilan ang gustong n’yong lawyer? Ayan, may 500 mga abogado na nagboluntaryo na gustong magtanggol kay BBM.

Ipinagpipilitan kasi ng mga ungas na convicted daw si BBM sa tax offenses noong 1995 kaya kailangan ang batang Marcos ay makansela ang kanyang COC sa pagtakbo sa presidente.

Nagkaroon daw kasi ng “material misrepresentation” sa kanyang COC si BBM.

Tinutukoy ng mga ito ang ‘1997 National Internal Revenue Code Section 253 penalizes public officials and employees who are convicted of tax offenses with perpetual disqualification from voting and holding public office.’

Ayon pa sa kanila convicted daw sa Quezon City Regional Trial Court noong 1995 ‘for failure to file income tax returns and pay income taxes from 1982 to 1985 while he was governor of Ilocos Norte during his ­father’s martial regime’.

Ang kasong ito ay matagal nang nangyari nakatakbo at nakaupo na at lahat si BBM sa iba’t ibang posisyon, pero ngayon ito na naman ang kanilang inuungkat na walang katuturang isyu.

Tulad ng martial law ­issue na marami nang nag-­patotoo na dapat lang ibinaba ang martial law ay pilit pa rin nilang ibinabato laban kay BBM.

Nagsalita na sina ­dating Sen. Juan Ponce Enrile at Gen. Victor Corpus na buhay na magpapatunay na tama ang ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na pagdeklara ng martial law.

Sawa na ang taum­bayan sa inyong mga paninira at pananabotahe kay BBM, kahit anong gawin n’yo ay hindi n’yo kayang pigilan ang pagdami ng naniniwala sa kanya na siya ang ­magpapaunlad sa ating bansa.

Ito naman ang sinabi ng mga kilala at de kampanilya na mga abogado na sina Atty. Alberto Agra, dating Secretary ng Department of Justice (DOJ), “Moral turpitude, kung medyo halang ka, bastos, immoral, talagang gusto mong mandaya. Ang tanong ngayon, ‘yun bang hindi nag-file ng income tax return ‘yun ba ay crime involving moral turpitude? Siyempre hindi.”

Ito rin ang sinabi ni Atty. Nilo Divina, University of Sto. Tomas (UST Law Dean), “The petition is bound to collapse once evaluated by the Comelec. It appears to be defective in form and offers insufficient in form and offers insufficient legal basis to obtain its desired judgment.”

Malinaw na talagang paninira at pananabotahe lamang ang paghahain ng kanselasyon ng COC laban kay BBM.

Move on din tayo, mga kapatid ‘pag may time, iisa lang ang Pilipinas at tahanan natin ito lahat, hindi lang sa inyo ito.

Kung ayaw n’yo ng katahimikan at kaunlaran, kami gusto namin.

oOo