RMN News : TikTok user na nasa likod ng assassination plot laban kay Marcos, natukoy na ng PNP

2 February 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Natukoy na ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang may-ari ng TikTok account na nasa likod ng sinasabing assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay ACG Chief Brig. Gen. Robert Rodriguez, burado na ang naturang TikTok account na may username na @ljluna7 ngunit nakapag-save naman sila ng ilang post nito.

Sinabi naman ng TikTok na permanente ng naka-ban ang nasabing account dahil walang lugar ang pagtaguyod ng karahasan sa kanilang platform.

Samantala, sinabi naman ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan ng court disclosure warrant upang maibunyag ng TikTok ang mga nasa likod ng pagbabanta laban kay Marcos.