Join the campaign (Learn More)

RMN News : Political analyst, naniniwalang posibleng mag-backout ang tambalang Senator Bato Dela Rosa at Senator Bong Go, sakaling matuloy ang BBM-Sara Duterte tandem

News & Interviews
25 October 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Naniniwala ang isang political analyst na posibleng mag-back out ang kandidato ng administrasyon na sina Senator Bato Dela Rosa at Senator Bong Go sakaling matuloy ang tandem nina Dating Senador Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ay matapos ang pahayag ni Duterte-Carpio na susuportahan ng kaniyang partidong hugpong ng pagbabago ang kandidatura ni Marcos bilang pangulo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Jean Franco ng UP Diliman Department of Political Science na maaari itong mangyari lalo na’t malakas ngayon ang dalawa pagdating sa mga survey.

Sa kabila niyan, posibleng matapatan pa rin aniya ito ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Nitong weekend ay nagkita sa Cebu sina Marcos at Duterte-Carpio matapos dumalo sa kaarawan ng maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez.

Ang Cebu ang itinuturing na isa sa vote rich provinces na kayang makapagbigay ng tatlong milyong boto sa 2022 elections.