RMN News : PNP, walang namo-monitor na banta sa seguridad sa inagurasyon ng mga susunod na lider ng bansa

By RadyoMaN Manila | RMN News

Walang namo-monitor na banta sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) para sa gagawing inagurasyon nina President-elect Bongbong Marcos Jr at Vice President elect Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na patuloy ang kanilang paghahanda at latag ng seguridad para sa inagurasyon.

Ito’y para masiguro ang kaligtasan nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio maging ang mga taong dadalo sa aktibidad.

Bagaman wala pang namo-monitor na banta, sinabi ni Danao na hindi naman sila magre-relax.

Giit niya, nakataas ang kanilang alerto sa anumang uri ng kilos protesta.