Join the campaign (Learn More)

RMN News : Partido ni Bongbong Marcos na Partido Federal ng Pilipinas, in-adopt si Sara Duterte bilang vice presidential bet

News & Interviews
14 November 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

In-adopt ng partido ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na Partido Federal ng Pilipinas si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD bilang kandidato nito sa pagkabise presidente sa 2022 national elections.

Ito ay matapos maghain ang presidential daughter ng kaniyang kandidatura sa naturang posisyon.

Kaya agad na naglabas ng resolusyon ang PFP kung saan iaadopt nila ang lady mayor bilang running mate ni Marcos.

Bago nito, wala opisyal na vice presidential bet ang naturang partido.

Inihayag naman ng Lakas-CMD chairman Senator Bong Revilla na nasa proseso na rin sila ng pagbabalangkas ng adoption kung sino ang magiging standard bearer ni Sara na tatakbong presidente.