Join the campaign (Learn More)

RMN News : Pagtanggal ng COMELEC kina Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos, pinapurihan ni BBM

News & Interviews
10 January 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Pinuri ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Commission on Elections (COMELEC) matapos alisin si Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos mula sa listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, kapuri-puri ang ginawa ng poll body matapos ideklarang nuisance sina Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos.

Aniya, ang naturang aksyon ay nagpapakita ng demokrasya at pumipigil sa pangungutya sa halalan.

Nagpapakita rin nito na hindi aniya nagtatagumpay ang mga nanunuya sa proseso ng elektoral.