Join the campaign (Learn More)

RMN News : Motorcade ng mga BBM Supporters sa Region 2, Boluntaryo

News & Interviews
9 November 2021

By Rowena Munchang | RMN News

Cauayan City, Isabela- Boluntaryo at walang tinanggap na bayad ang mga lumahok sa isinagawang motorcade ng mga taga suporta ni dating Senador Bongbong Marcos na tumatakbo sa pagka-Pangulo nitong araw ng Linggo, Nobyembre 7, 2021.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Deogracias Respecio, ang Regional Secretary ng BBM Green Unity, kanyang sinabi na kusa silang nagmotorcade para maipakita ang kanilang suporta sa tumatakbong Pangulo.

Ang motorcade ay inorganisa aniya ng Cagayan Valley riders mula sa Nueva Vizcaya at nagtipon-tipon sa Cauayan City Sports Complex kasama na rin ang mga BBM Supporters sa Lungsod.

Pagkatapos aniya ng motorcade sa Sports Complex ay dumaan ang grupo ng mga riders sa Bayan ng Roxas patungong Tuguegarao City at dumeretso ang ilan sa mga supporters sa Ilocos Sur.

Ayon pa kay Respecio, mas pinili ng mga BBM supporters ang mag motorcade para maiwasan ang mabigat na trapiko.

Samantala, ibinahagi ni Ginoong Respecio na sa mga susunod na araw ay magkakaroon pa ng solong caravan ang mga taga suporta ni BBM sa Lalawigan ng Isabela.