Join the campaign (Learn More)

RMN News : Mga Lider ng Southern Tagalog, nagpahayag na rin ng pagsuporta kina BBM-Sara UniTeam

News & Interviews
13 December 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Nagpahayag ng suporta ang mga Lider ng Southern Tagalog kay Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kay Vice Presidential Bet Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay League of Vice Governors of the Philippines National President at Laguna Gov. Ramil Hernandez masaya at excited para sa winning tandem na BBM-Sara UniTeam.

Inanunsyo rin ni Laguna Vice Gov. Karen Agapay na ina-adopt ng Laguna bilang honorary daughter si Mayor Sara.

Tiniyak naman ni Pakil Laguna Mayor Vincent Soriano na makakaasa ang BBM-Sara UniTeam ng panalo sa kaniyang lugar.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa kanilang lugar para masiguro ang panalo ng dalawa.