Join the campaign (Learn More)

RMN News : Mahigit 50 mga negosyante sumuporta, sa BBM-Sara UniTeam

News & Interviews
2 December 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Mahigit 50 negosyante sa Cebu ang nagpahayag ng suporta sa Bongbong Marcos-Sara Duterte UniTeam.

Ayon kay Benjie Hortelano, presidente at businessmen ng Bayan Movement of the Philippines (BBM), tiwala sila na muling sisigla ang ekonomiya ng bansa sa pamumuno nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Agad namang nagpasalamat si Marcos sa nasabing grupo at pinuri ang ipinapakita nilang katatagan sa gitna ng nararanasang pandemya.

Tiniyak ni Marcos na hindi sila mapapagod para mapagtagumpayan ang halalan.