RMN News : Duterte, hiniling kay Marcos Jr. na ituloy ang war on drug campaign nito

By RadyoMaN Manila | RMN News

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bago pa ang May 9 elections na ituloy ang war on drugs nito.

Ayon kay Marcos, kung itutuloy niya ang giyera laban sa ilegal na droga na sinimulan ni Pangulong Duterte ay gagawin niya ito sa sarili nitong paraan.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na walang problema sa kaniya kung nanaisin ni Pangulong Duterte na maging bahagi rin ng kaniyang administrasyon at tumayong drug czar.

Pero sa ngayon, hindi pa nila ito napapag-usapan ni Pangulong Duterte.