RMN News : Diplomat ng Spain, Germany at Morocco, bumisita at bumati kay President-elect Bongbong Marcos

By RadyoMaN Manila | RMN News

Patuloy ang pagbisita at pagbati ng mga diplomat ng iba’t ibang bansa kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Tinanggap ni Marcos si Spain Ambassador to the Philippines Jorge Moragas, Germany Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel at Morocco Ambassador to the Philippines Mohammed Ride El Fassi.

Closed door ang naging pulong kung saan maliban sa pagpapaabot ng pagbati ay tinalakay rin ang pagpapalakas ng ugnayan ng naturang mga bansa sa Pilipinas.

Inaasahan namang magkakaroon muli ng press conference ang kanyang press secretary na si Atty. Trixie Angeles para magbigay ng detalye sa nangyaring courtesy call.