RMN News : Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte, tiwalang itutuloy ni BBM ang magandang sinimulan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte

4 February 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Tiwala ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kakayahan ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Baste, si Bongbong lang ang tanging tumatakbo sa pagkapangulo na may kakayahang ituloy ang magandang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, malaki ang tiwala niya kay Bongbong at sa nasimulan ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos, Sr. na napabayaan lamang ng mga nakaraang administrasyon.

Tulad ng kanyang ama, may maganda aniyang vision si Marcos sa bansa at hindi lang para sa personal na interes kundi para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.