RMN News : Cagayan Governor Manuel Mamba, inendorso si presidential aspirant BBM

16 February 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Suportado ni Cagayan Governor Manuel Mamba sina presidential at vice presidential candidates Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte para sa gaganaping eleksyon sa Mayo.

Paliwanag ni Governor Mamba, inaasahan niya na raw na magkakaisa ang mga tinatawag na “Solid North” para suportahan si Bongbong Marcos.

Nahikayat rin daw siya na suportahan ang Marcos -Duterte slate dahil sinusuportahan din ang mga ito ng Nacionalista Party kung saan siya kabilang.

Bukod dito, maraming mahahalagang proyekto rin ang nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang lalawigan.

Kaya naman panawagan ni Mamba sa kaniyang mga kapwa lider sa Cagayan at kaniyang mga constituent na iboto sa May 9 election ang BBM- Sara tandem.